CHAPTER 8 : MOVING
Hindi pa rin gumigising si Keilyn. Ngayon na ang uwi ni Tita. Nagpaalam na kasi siya sa boss niya which is Mr. Monterrozo na maagang maka-uwi dito sa Philippines. Hindi ko alam kung ano at paano ko siya kakausapin. Sana mapatawad niya na ako sana. Hindi muna ako pumasok ngayong araw para mabantayan ko si Keilyn at buti nalang, excuse ngayon yung mga nag-camping kahapon kaya kasama ko si Cleo.
"Are you okay?" Tanong ni Cleo.
"Yeah. I'm okay. Magkwento ka naman tungkol doon sa Camping niyo." Nakangiti kong sabi. The truth is, I'm not okay. Sinabi ko lang iyon para hindi na siya mangulit. Kahapon ang uwi nila Maisie and pumunta agad siya dito ngayon para daw mangamusta.
Nakita ko naman ang mabilis niyang pag-simangot nang tanungin ko iyon.
"What's wrong? May nangyari ba? Gusto mo ba ng resbak? Ano?" Aray! Shete! Gusto ko lang naman siya patawanin pero naghampas ng malakas sa braso ko. Great. Just great.
"Sira ka talaga! Wala namang nangyari eh." Nakasimangot niya paring sabi.
"Wala pala eh! Anong sinisima-simangot mo diyan?!"
"Walang nangyari kasi hindi naman ako pinapansin ni Braey! Hmp!" Nakakunot noo niyang sabi with matching cross arms.
"Aray! Dinoble mo pa yung sakit na nararamdaman ko! Sobra sobra na nga itong sakit na nararamdaman ko eh!" Ang korny eh, binatukan ko.
"OA mo! Ikaw din naman ang may kasalanan kung bakit ka nasasaktan ehh. " Pagpapaliwanag ko.
"Ako? Bakit naman?" Nagtaka pa. Hayyy
"Kung hindi ka sana umaasa ng sobra sobra, hindi ka din sana nasasaktan ng sobra pa sa sobra." Napatawa siya sa sinabi kong iyon. May nakakatawa ba sa sinabi ko?
"HAHAHA! Ganyan talaga ang mga walang lovelife, magaling mag-advice. HAHA-" Bago niya pa mapagpatuloy ang kanyang tawa, inunahan ko na siya at binatukan ulit. Nakakainis ehh! Ikaw na nga nagbibigay ng advice para sa ikabubuti niya tapos mang-aasar pa.
"Nakaka-ilan ka na ha! Totoo naman talaga yung sinasabi ko eh!"
"Para sabihin ko sa iyo, totoo rin ang mga sinasabi ko." Natahimik na siya matapos kong sabihin iyon. Siguro na-realize niya na kung ano ang ginawa niya. Sana nga kasi ayokong umasa ang kaibigan ko sa wala.
How bored. Sana magising na si Keilyn sa-
"Keilyn?!" Parehas kaming gulat ni Cleo ng may marinig kaming boses na nanggagaling sa kakabukas pa lang na pintuan.
"T-tita." Natuon sa akin ang kanyang mga paningin na kanina'y na kay Keilyn.
"How dare you call me Tita?!" Naramdaman ko ang mga kamay niya sa aking pisnge. Hindi ako dapat umiyak. Hindi. Deserve ko naman ito kaya nararapat lang ito sa akin. Hinawakan ni Cleo ang braso ko at inilayo kay Tita Lene.
"Are you alright?" Tanong sa akin ni Cleo habang nakatingin sa pinge kong namumula. Tumango na lang ako sa tanong niya at ibinaling ang atensyon kay Tita.
"Don't you dare call me Tita, Fianna." Sa mga sinabi niyang iyon, alam kong seryoso siya dahil sa pagkakabanggit niya ng buo kong pangalan. Hindi ko na napigilang ilabas ang mga luhang kanina pa gustong kumawala.
"Sorry po kung nakikisama ako sa inyo pero sa palagay ko po, kailangan niyo munang malaman ang totoong nangyari." Napatingin ako kay Cleo ng sabihin niya iyon. Mas lalo tuloy akong napa-iyak.
"Wag kang makikialam ito! Hindi mo alam ang nangyari kaya wag kang mag-feeling may alam diyan!" Sigaw ni Tita kay Cleo.
"Alam ko po ang nangyari. Sana bigyan niyo si Fianna ng pagkakataon na magpaliwanag." Mahinahon pero may diin na sabi ni Cleo.
BINABASA MO ANG
Pretending I'm Yours #Wattys2017
Novela JuvenilMAHIRAP MAGPANGGAP. Magpanggap na masaya ka. Magpanggap na wala kang pakialam. Magpanggap na hindi ka nasasaktan. NAKAKAPAGOD. Ikaw? Hindi ka ba napapagod na maghintay kahit na alam mo namang siya mismo ay nagpapanggap lang din? Pretending I'm Yours...