CHAPTER 7 : CARE
"Faster Doc!" Narinig kong sigaw ni Yara sa di kalayuan.
"Where is she?" Tanong nung doctor ni Keilyn habang hingal na hingal sa pagtakbo kanina.
"Hindi mo ba nakikita?! Nandiyan siya! Nakahiga!" Dahil sa galit ko hindi ko na napigilang sumigaw.
Hinawakan ni Yara ang braso ko at inatras ng kaunti sa kama ni Keilyn.
"Sorry doc. Naguguluhan lang siya sa mga nangyayari."
"It's okay." Lumapit yung doctor doon kay Keilyn at may kung anong kinalikot doon mula sa mga nakatusok sa kanya. Sumunod na din ang dalawang nurse at may kung anong panibagong tinutusok sa kanya. Ilang sandali lang, tumigil na din ang panginginig ni Keilyn. Nilapitan ko siya at hinawakan ang kamay niya. May kung anong sinasabi ang doctor kay Yara pero hindi ko na iyon binigyan ng pansin. May kailangan kong bigyan ng pansin si Keilyn. Ilang sandali pa, nagpasalamat na si Yara sa kanila at tuluyan na silang umalis.
"Yung nangyari kay Keilyn is just-" Hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita at nagsalita na ako.
"The important is, she's fine now." Tumango tango nalang si Yara sa sinabi ko.
"Wanna eat? Here." Inabot ni Yara sa akin ang paper bag ng McDo. Tinanggap ko iyon at sabay na kaming kumain. Pagkatapos naming kumain, tinignan ko ang phone ko at may 14 missed calls na galing kay tita Lene. Hindi ko pa pala nasabi sa kanya ang lahat...
Tumayo ako at kinuha ang phone ko.
"Where are you going?" Tanong ni Yara.
"I have to call Tita and inform her about this. Paki-bantay muna si Keilyn. I'll be back for a minute." Tumango lang si Yara sa sinabo ko at umalis na ako doon. Ayoko iwan si Keilyn ng mag-isa kahit kasama niya si Yara pero kailangan.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Naglakad lakad lang ako hanggang makapunta ako dito sa park. Kahit gabi na, marami pa rin ang tao. Marami ang naka 'HHWW' ang korny lang. Maraming mga batang naglalaro at marami ding pamilyang masayang nagki-kwentuhan. I miss those times na lagi kaming pumupunta ng park kasama si Mom and Dad. Aish! Bakit ko ba yan iniisip. Past is past. At baka, maluha ako dito sa park ng wala sa oras.
Umupo ako sa bench dito sa park. Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Tita.
"Tita-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng magsalita agad siya.
"Is it true that Keilyn is comatose?!" Nakarinig ako ng pag-aalala sa boses ni Tita Lene. I know that feeling. She's a mother.
"Yes Tita. You heard it right."
"B-but, how? W-what happened? Tell me Fianna!" Bakit ganito ka-lakas ang tibok ng puso ko? I'm really nervous!
"Car accident Tita." Ilang sandali akong hindi nakarinig ng kung ano sa kabilang linya.
"B-but, I thought magkasama kayo right?" Bakit ba ako umiiyak ha?! I know it's my fault na lagi ko nalang siyang hinahayaan umuwi mag-isa. Kung magkasama siguro kami, hindi ito mangyayari sa kanya. It's my fault! And I know, mas deserve kong ma-comatose kesa sa kanya.
"Fia?!" Masyado na akong maraming iniisip. I need to tell her the truth.
"Yes Tita, b-but that time, m-may d-dance p-practice po a-"
"Dance practice?! Hindi ba pwedeng isantabi muna yan?! My God, Fia! Mas inuna mo pa yan kesa isabay ang pinsan mo sa pag-uwi?! How selfish!" Hindi ko na napigilan ang luha ko. Kusa na siyang tumutulo. Tita is right. I'm selfish.

BINABASA MO ANG
Pretending I'm Yours #Wattys2017
Teen FictionMAHIRAP MAGPANGGAP. Magpanggap na masaya ka. Magpanggap na wala kang pakialam. Magpanggap na hindi ka nasasaktan. NAKAKAPAGOD. Ikaw? Hindi ka ba napapagod na maghintay kahit na alam mo namang siya mismo ay nagpapanggap lang din? Pretending I'm Yours...