CHAPTER 15 : IAMHERBOYFRIEND
"Oh, Hi Fianna." Hindi ako sanay na tawagin niya akong Fianna. Miss Campus Queen kasi lagi Ang tawag niya sa akin.
"H-hi?" Nag-hi lang naman siya. Hindi naman siguro masama kung mag response ako diba?
"Let's go Fianna." Sambit ni Jaxon at hinatak ako papasok pero bago pa man kami makapasok, nakaramdam ako ng kamay na humawak sa kabilang braso ko. Shet. Shet. Shet. Hawak niya yung braso ko. Napahinto si Jaxon sa harap ng pintuan ng classroom namin ng mapansing napahinto ako. Napalingon si Jaxon kay Dave. Sa akin. Sa kamay ni Dave na nakahawak sa braso ko.
"I'm talking to Fianna." Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Magsasaya dahil sa sinabi ni Dave o matatakot sa pwedeng mangyari.
"I don't care. As long as I'm not agree for you to talk to her, you can't do anything with it." Sambit naman ni Jaxon. Bakit ganon? Magkaibigan sila diba? Kagabi lang bumisita si Dave sa bahay nila Jaxon tapos ngayon? Ang alam ko lang, may hindi tama.
"Sino ka para sundin ni Fianna?" Sambit ni Dave at hinila ako papunta sa kanya dahilan para mabitawan ni Jaxon ang kamay ko. Kinikilig ako na ewan sheke talaga.
"I. Am. Her. Boyfriend." Naramdaman ko naman ang kamay ni Jaxon sa kamay ko at hindi ko nalang namamalayan na kaharap ko na ang likod ni Jaxon habang hawak hawak pa rin ang kamay ko. Dahil sa sinabi niya marami ngayon ang nag-uusap usap at ang iba naman at nag-aabang lang sa susunod na mangyayari. Bitch.
"Boyfriend? Nagpapatawa ka ba Jaxon? Yesterday you told me that you and Fianna are just-" Hindi na natuloy pa ni Dave ang sasabihin niya ng bigla nalang siyang napa-atras dahil sa pagkakasuntok ni Jaxon. Oh no. This isn't good.
"Why? Natatakot ka-" Sinuntok nanaman siya ni Jaxon. And this time, tuluyan ng bumagsak si Dave. Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang gamutin pero hindi pwede.
Tumayo si Dave at hinawi niya ang dugo mula sa itaas ng kanyang labi.
"Is this all you can?" Ang bilis ng pangyayari. Bigla nalang sinugod ni Dave si Jaxon. Ako ang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng mga ito. Walang nagtangkang mangialam sa pagsusuntukan nilang dalawa kaya ako nalang ang gagawa.
"Stop this fucking shit!" Sigaw ko na agad nakaagaw ng pansin nilang lahat. Napahinto naman ang dalawa sa pagsusuntukan at napalingon din sa akin ng hingal na hingal. Bakit tuwing galit o sumisigaw man ako, lagi silang napapahinto ng ganon ganon lang? Tss. Sinamaan ko silang dalawa ng tingin nang bigla nalang umikot ang paningin ko at tuluyang bumagsak. Bakit ganon? Hindi ko naramdaman ang pagbagsak ko sa sahig? Iminulat ko ang mga mata ko at napangiti sa nakita.
"Fia." Sinalo niya ako. Sinalo ako ng kaibigan ko.
"Chase." Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari ng biglang mandilim ang paningin ko.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
RAIN'S P.O.V
"Thank you sa paghatid sa akin. Nakaistorbo pa tuloy ako." Nakayuko kong sinabi kay Chase. Kunyari nahihiya, pero deep inside kinikilig. Baliw lang?
"Wala iyon. By the way, may balita ka ba kay Fianna? Hindi niya kasi sinasagot yung mga messages ko." Bakit bigla akong nalungkot? Ha? Bakit ako malulungkot eh normal lang naman na mag-alala si Chase sa kanya eh. Kaibigan niya yun kaya kung ako din siya, mag-aalala ako. Oh my! Naalala ko yung nangyari kahapon. Totoo kaya iyon? Ni hindi rin ako magawang sagutin ni Fianna sa mga messages ko.
"Rain?" Totoo man iyon o hindi, susuportahan ko lang so Fianna. No matter what. Nag-aalala lang ako sa maaaring mangyari kung totoo man.
"Hey."

BINABASA MO ANG
Pretending I'm Yours #Wattys2017
Teen FictionMAHIRAP MAGPANGGAP. Magpanggap na masaya ka. Magpanggap na wala kang pakialam. Magpanggap na hindi ka nasasaktan. NAKAKAPAGOD. Ikaw? Hindi ka ba napapagod na maghintay kahit na alam mo namang siya mismo ay nagpapanggap lang din? Pretending I'm Yours...