CHAPTER 11 : PRETENDING
"I want you to be my girlfriend."
"The fuck?! No way!" Dahil sa pagkagulat, walang ibang lumabas sa bibig ko kundi yang mga salitang iyan.
"You're cute you know? Lalo na kapag gulat ka. By the way, Ano? Game?!" Nakangiti niyang sabi habang hawak pa rin ang diary ko.
"Baliw ka na talaga."
"I'm not crazy. Isipin mo nalang, kapag pumayag kang maging fake girlfriend ko, nabayaran mo na lahat ng utang na loob mo."
"Fake girlfriend? So you mean, just pretending?" Pagtataka ko.
"Yup, why? Gusto mo bang totohanin?" Nilapit niya ang mukha niya sa akin habang nakangisi.
"I-i'm just asking." Shit! Yan na nga ba ang sinasabi ko eh, nauutal-utal ako kapag kinikilig. Shet?! Kinikilig? Bakit nga ba ako kinikilig?! Shet ang korny!
"Then, why are you blushing?' Naka-smirk niyang sabi.
"No I'm not!"
"Yes you are." Naitulak ko siya ng malakas pero hindi man lang siya nagawang itumba ng tulak ko. Sa laki ba naman ng katawan niya noh. Dapat pala may sakit ako para kapag naitulak ko siya ng malakas, diretso siya sa sahig. Speaking of sakit, pagbigyan ko nalang kaya ang lalaking ito? I will die soon. So, bakit ko pa ipagkakait ang hinihingi niyang tulong?
"Strong ito Fianna." Sabay tapik niya sa muscle. Whoah! He has a muscle. Malamang, wala naman taong walang muscle eh. Psh.
"Why do you want me to pretend?" Seryoso kong tanong sa kanya. Napaseryoso na din siya ng itanong ko iyon.
"I want you to help me. I'm going to have revenge from the people who cheated me, from the people who hurt me." Napatawa naman ako sa sinabi niya.
"Why are you laughing? I'm serious."
"Revenge?! Are you out of your mind? Just forgive that damn people you're talking about."
"You don't understand Fianna. All I wanted is for you to help me. Please, pagkatapos ng kontrata, hindi na kita guguluhin pa." Nakarinig ako ng sincere na boses mula kay Jaxon. Kaya ko bang magpanggap? Papayag ba ako o hindi?
"Fine. Just give me my diary."
"No. This diary will be our contract. I know na importante sa iyo ito kaya, ito ang magiging kapalit matapos ang 7 months contract natin."
"7 months?! Seriously?!" Kasama ang lalaking ito for 7 fucking months?!
"Yes." Maikli niyang tugon.
"Teka nga, sino ba yang mga tinutukoy mo?" Nakataas kilay kong tanong.
"Soon you will find out." Nakangisi niyang sabi. I hate that smirk of him.
"Soon? Paano ko malalaman kung magpapanggap na ba ako o hindi?" Hindi naman kasi nag-iisip. Paano ko malalaman kung kailangan ko na bang magpanggap o hindi. Diba?
"Like what I've told you, it's seven months contract. Anytime and everywhere, kailangan nating magpanggap. We don't know na, bigla bigla pala sila sumulpot." Right, 'sila' dalawa nga talaga. Naalala ko, baka magalit sa akin si Kei. Pero, sinabi niya na ok lang daw sa kanya na magkatuluyan kami ni Jaxon. Pero, it's pretending naman kaya hindi naman siguro siya magagalit sa akin.
"When do we have to start?"
"You know, hindi ko alam na makukumbinsi ko ang 'Campus Queen' ng school na ito. Sabagay, sino ba namang aayaw kapag naghire ako ng fake girlfriend diba?" Aba, ang kapal. Hindi niya alam pinapagbigyan ko lang siya. Hindi niya alam na may sakit ako at malapit na akong mamatay kaya pumayag ako para kahit pa paano, masuklian ko lahat ng mga ginawa niya. Importantly, ayokong mabasa niya ang pinakaiingatan kong sikreto. Ayoko ng may makaalam pa nun, kaya mas mabuti na ito.
BINABASA MO ANG
Pretending I'm Yours #Wattys2017
Teen FictionMAHIRAP MAGPANGGAP. Magpanggap na masaya ka. Magpanggap na wala kang pakialam. Magpanggap na hindi ka nasasaktan. NAKAKAPAGOD. Ikaw? Hindi ka ba napapagod na maghintay kahit na alam mo namang siya mismo ay nagpapanggap lang din? Pretending I'm Yours...