~Chapter 10~

368 16 3
                                    

CHAPTER 10 : I HANDLE

FIANNA'S P.O.V

Ang sakit na talaga ng ulo ko at ang sama sama na ng pakiramdam ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko at feeling ko, anytime, pwede na akong bumagsak at mawalan ng malay. Wala na akong choice. Siya na lang talaga ang pwede ko hingian ng tulong.

Napahiga na ako sa kama ko dahil sa pagkahilo. Agad kong kinuha ang phone ko at tinext siya.

"Jaxonn helllpp. " Dahil sa pagkahilo, hindi ko na magawang isulat ng maayos ang gusto kong iparating. Sana maintindihan niya. Sana dumating siya. Sana.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari ng biglang nagdilim ang mga paningin ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Fianna!" Minulat ko ang mga mata ko ng makarinig ako ng boses. Nakita ko siyang naka-upo sa tabi ko habang niyuyugyog ako.

"Can't you see?! Ang sama ng pakiramdam ko tapos mambi-bwiset ka pa?!" Sigaw ko sa kanya na agad din namang nakapag-patayo sa kanya.

"Ah ganon?! Ikaw na nga yung humihingi diyan ng tulong tapos ikaw pa yung mangse-sermon?!" Sigaw niya sa akin.

Tumalikod siya at akmang aalis pero buong lakas akong bumangon. Hinawakan ko ang kamay niya at hinatak siya pabalik. Hindi ko naman sinasadya na mapalakas kaya ang kinalabasan, nasa ibabaw ko siya ngayon buti nalang at nasalo kami ng kama.

Bakit ganon?! Ayaw niya pang umalis sa ibabaw ko? Shete. Tama nga yung sinasabi ni Kei. Ang gwapo nga talaga ni Jaxon. Oo, alam kong gwapo siya pero hindi ko alam na ganito pala talaga siya ka-gwapo.

"Wala nang mag-aalaga sayo kapag natunaw ako." Sambit niya sabay smirk. Dahil sa sinabi niyang iyon, natulak ko siya ng malakas at dumiretso siya sa sahig. HAHAHA! So cute!

"Ang kapal talaga ng mukha mong lalaki ka! Pasalamat ka, may sakit ako kundi kanina pa kita napalayas dito!" Sigaw ko. Tumayo siya sa sahig at sinamaan ako ng tingin.

"Pasalamat ka din na may sakit ka at namumula ka kundi, kanina ko pa rin iniisip na nagba-blush ka!" Sigaw niya pabalik. Ang kapal talaga ng mukha. Hindi ko na iniisip ngayon ang sakit ng ulo basta matamaan ko siya. Kinuha ko yung unan sa tabi ko at binato iyon sa kanya.

"Close enough." Sambit niya ng maiwasan ang unan na binato ko.

"Ah-ahh." Dahil sa sakit ng ulo ko, napahawak nalang ako sa noo ko na kanina pa kumikirot.

"W-where's your medicine here?" Lumapit sa akin si Jaxon at lumingon-lingon sa paligid. Naalala ko, isang gabi ko pa lang dito at wala akong mga gamot na tinatago. Umiling lang ako sa kanya at hindi na nagsalita.

"Are you serious?! Wala ka man lang kahit na anong gamot?! Paano ka nakakatagal dito?" Para, manahimik na siya, sinabi ko na ang totoo.

"This is not my unit. And this is my first night here." Hindi naman ako nakakita ng kahit na anong pagkagulat sa mukha niya.

Inayos niya ang sarili niya at hinawakan ang kamay ko.

"Let's go." Tipid niyang sabi at hinatak ako para makatayo. Hinila ko ang kamay ko sa kanya at umupo sa kama.

"Masama ang pakiramdam ko. Wala akong time sa mga-" Pinutol niya na ang mga sasabihin ko ng magsalita siya.

"Exactly! We're going to the hospital." Hinawakan niya ulit ang kamay ko at agad ko naman itong binawi.

Hindi kami maaaring pumunta sa ospital. Hindi ko alam at baka itong sakit ko na pala ang tumatama sa akin. Hindi niya pwedeng malaman na may sakit ako. Hindi niya pwedeng malaman na malapit na akong mawala sa mundong ito. Korny pero, ayun ang totoo.

Pretending I'm Yours #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon