CHAPTER 17 : THE DATE
Hindi naman siguro masama na sabihin ko iyon kahapon sa mga kaibigan ko. Hindi iyon sasama kapag hindi malalaman ni Jaxon. I think hindi ko na kailangan sabihin pa sa kanya na may pinagsabihan ako. Magiging worst pa ang lahat. Sinabihan ko na rin sila Rain and Yara na wag ipaalam sa iba at mabuti nalang pumayag sila.
Tinignan ko yung relo ko. 2 hours before yung dinner date namin ni Dave and I don't know kung makakapunta ba ako o hindi. Kapag ako ang tatanungin, gustong gusto ko pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa akin ni Jaxon. But, Dave knows na kami ni Jaxon then bakit niya pa ako niyaya makipag-date? Ang gulo ha!
Nandito ako ngayon sa labas ng school. Hindi pumasok yung mga kaibigan ko ngayon may sakit daw kasi si Tita which is yung mom ni Cleo kaya dumalaw sila. Tapos si Chase naman, may practice pa daw ng varsity. Si Bryle naman, nilalayuan na ako. Si Dave, hindi rin pumasok siguro naghahanda doon sa dinner date namin mamaya. Wag ka nga assuming Fianna! Tapos si Jaxon, simula kanina hindi pa kami nagkikita ano kayang problema nun?
Ang boring ng klase ngayon. Mabuti nalang at hindi na ako masyadong pinag-uusapan dito. All students and teachers are busy in preparing our school's foundation day. Mabuti nalang talaga.
Tatawagan ko ba si Jaxon o hindi? Baka nakakaistorbo lang ako sa kanya pero palagay ko kailangan niyang malaman na niyayaya ako ni Dave. Syempre may usapan pa rin kami at baka masira yung kung ano man yung pinaplano niya. Hindi ko pa rin talaga maintindihan kung bakit ako napapasunod nung lalaking yun. Siguro nga ganon ako nag-aalala na baka malaman ng lahat. Siguro nga.
Kailangan naming mag-usap tungkol sa mga bagay na ganito. Kasi hindi naman sa lahat ng pagkakataon, siya lang yung nakikinabang sa pagpapanggap namin diba?
Crashing, hit a wall
Right now I need a miracle
Hurry up now, I need a miracle
Stranded, reaching out
I call your name but you're not around
I say your name but-
"Yes?" Aba, ang sungit. Pasalamat nga siya ipapaalam ko pa sa kanya ehh.
"Pwede ba tayo mag-usap?"
"Nag-uusap na tayo." Bwiset! Napaka-pilosopo.
"Just kidding. Where?" Sambit niya ng tumahimik ako ng matagal. HA! Kala niya ba nagbibiro ako?
"At the Park near the school. ASAP." I ended the call before I went to the park. Malapit lang yung park mula sa school namin kaya nilakad ko lang. Umupo ako sa part na maraming bata ang naglalaro. I'm happy to see this children joyfully playing. I miss those times na kasama ko pang maglaro si Keilyn sa park. Nung time na-
"Help! Please!" I saw a girl calling for help. Dahil malayo banda ang lugar na ito sa mga tao, walang nakakarinig sa sigaw nito. I helped her to stand, and I saw a wound on her kneel. It's not that deep but I know it fucking hurts.
BINABASA MO ANG
Pretending I'm Yours #Wattys2017
Teen FictionMAHIRAP MAGPANGGAP. Magpanggap na masaya ka. Magpanggap na wala kang pakialam. Magpanggap na hindi ka nasasaktan. NAKAKAPAGOD. Ikaw? Hindi ka ba napapagod na maghintay kahit na alam mo namang siya mismo ay nagpapanggap lang din? Pretending I'm Yours...