~Chapter 12~

355 11 2
                                    


CHAPTER 12 : REUNION

"B-braey." Wahhh. Utal-utal alert! My goodness!

"What are you do-" Hindi na natapos pa ni Braey ang sasabihin niya ng biglang magsalita si Jaxon.



"From now on, Fianna is my girlfriend. So, kailangan siyang dumalo sa family reunion natin. Am I right, older brother?" Sambit ni Jaxon na ngayon ay nakangiti.



"I'm not believe in you until Fianna say so." Tumingin si Braey sa akin ng nakataas ang isang kilay.



"Sorry to say but, may mas importante pa siyang gagawin. Excuse me." Wala na akong nagawa nang naglakad na si Jaxon. Papalapit sa amin ang mga magulang niya at ganoon din kami. Kinakabahan ako shet!



"Don't worry, they'll like you." Hinawakan ako ng mahigpit ni Jaxon sa kamay at ngumiti sa akin. Hindi ko alam pero parang nabawasan ang kaba ko. Ewan ko kung bakit ako kinakabahan eh nagpapanggap lang naman ako. Hay buhay.



"Mom. Dad." Nagmano si Jaxon sa kanila. Nabaling naman ang atensyon ng mga magulang niya sa akin. Ang ganda pala ng mommy niya parang nasa 30's lang. Si Mr. Xander Monterrozo naman, ganoon din pero hindi na ako nanibago dahil na nga siya ang may-ari ng MA at paminsan-minsan siyang bumibisita sa school.



"Mom, dad. I would like you to meet my girlfriend, Fianna."



"Good eve Ma'am, Sir." Nagmano ako sa kanila pero si Mr. Xander lang ang naglahad ng kamay. Tama yung expectation ko, masungit nga ata si Mrs. Monterrozo.



"Ganon na ba ako katanda tignan? Call me Mom." Nginitian niya ako at binesohan. Mali pala ang akala ko. Maganda na nga, mabait pa.



Ngumiti si Mrs- si Mom rather kay Jaxon at ganon din si Jaxon sa kanya. Parang naguusap sila gamit ang mga mata. Hindi ko mapaliwanag.



"Come on?" Sambit ni Mr. Xander. Sumunod kami sa kanya hanggang makarating kami sa garden place ng bahay. Ang lawak at ang ganda dito. Matatanaw mo ang mga liwanag na nanggagaling sa mga gusali. Nandirito na rin ang ibang mga kamag-anak ni Jaxon. Ang gaganda at mukhang mamahalin ang kanilang mga kasuotan. Marami ring mga pagkain na nakahain sa ibabaw ng lamesa. Pina-upo ako ni Jaxon sa tabi niya. Hindi ko maiiwasan na mapatingin sa katapat namin na si Braey. Nakikita ko sa peripheral vision niya ang mga malalalim niyang titig sa akin. Hindi ko nalang ito pinansin at ibinaling ang atensyon sa iba.



"Good evening everyone. I am so glad that you came-" Napahinto si Mr. Monterrozo at napatingin sa kanang direksyon.



"Am I already late?" No way. Bakit siya nandito? Hindi naman siya Monterrozo or what ah?



"No darling. Have a seat." Darling? Naguguluhan na talaga ako. Tinignan ko si Jaxon na mukhang inaasahan niya na ito. Hindi ko maintindihan.



Umupo siya sa tapat namin katabi ni Braey. Lumingon siya sa akin at tinarayan ako. Ang kapal pala ng babaeng ito? Walang ginagawa yung tao, ang lakas manaray. Ewan ko ba kung bakit nagkagusto sa kanya si Jaxon. Mas mabait at mas maganda ay mali, dyosa pala ako. Hmmp!



Matapos ang pangangamusta at pagbati ni Mr. Xander, ibinigay niya na ang pagkakataon at karapatan kay Jaxon na magsalita.



"Good eve everyone. I would like you to meet my girlfriend, the one who makes me happy, the one who always there for me, the one who stole my heart. No one except the girl beside me, Fianna Imperial." Hindi ako makapaniwala sa mga kasinungalingang sinabi ni Jaxon. Syempre lahat ng sinabi niya hindi totoo noh! Kanina nga lang naging kami at biglaan lang iyon.



Pretending I'm Yours #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon