CHAPTER 11

110 5 0
                                    

Unti unting kumulimlim ang langit kasabay nun ay ang pagpatak ng ulan sa mukha ko. Perfect moment para sa mga sawi. Lumakas ang ulan at tsaka ako tumayo unti unti akong lumundag at tumawa hanggang sa  panay na ang talon at hiyaw ko.




"Whoooo hahaha" Parang baliw na sabi ko. Panay ikot at takbo ko sa play ground tapos ay tatalon ako sa mga namumuong baha. "Bwahahahaha ang saya! " Mukha akong tanga pero haha ewan ko ba masaya talaga eh. Basang basa na ako ng ulan kung may makakakita man sakin dito ngayon ay iisipin nilang may kalaro ako na ako lang ang nakakakita haha.




Nag slide ako nag see saw mag isa nag paikot ikot sa yung umiikot haha. Nang mapagod ako ay humiga ako sa slide. Hingal na hingal ako pero di maaalis amg ngiti sa labi ko. Im feeling better now. Nagpahinga ako saglit at tumayo. Nag bike na ako pauwi dahil mag didilim na at malakas ang ulan.



*WAYNE*

"Answer your fvcking phone Rain!" Ilang oras na ako nag hihintay sa tapat ng bahay nya pero mukhang hindi pa ito umuuwi. Nang hingi lang ako ng paumanhin sa gulong nangyari sa restaurant at agad syang sinundan. Pero pag dating ko dito sa kanila ay wala sya! Tangina nasan ka na ba? Tinawagan ko na si Quin pero hindi nya kasama.  Where the hell are you Rain?  You making me damn worried! 



Pang anim na stick nang sigarilyo na naubos ko habang nakasandal sa kotse ko alas kwatro na nang hapon at nagsisimula na ring umulan.



Rain.  "Fvck! " Pumasok ako sa kotse dahil biglang lumakas. I tried to call Rain again pero panay lang ang ring nito. Ilang message na ang na compose ko pero walang reply ! "Damn!" Sabay palo sa manibela ko. Kanina hindi ko alam kung bakit ganon sya. Biglang tumahimik tapos ay magtataray. Wala naman talaga ako balak pumayag sa gusto ni Scarlet pero naunahan ako ni Rain hanggang sa magkasagutan na sila. Nagagalit ako dahil hindi na rin naman tama ang mga sinasabi nya. That's below the Belt. Alam ko namang may ganong ugali si Rain kung pipigilan ko sya panigurado pati kami mag aaway. Pero nung binuhusan nya ng shake si Scarlet ay maling mali na. Kaya sinabi kong humingi ng tawad but she's a hard headed kaya imbis na mag sorry ay umalis na lang.




Napatingin ako sa relo ko malapit na mag six. Asan ba kasi yung babaeng yun?!



Maya maya ay may natanaw akong nag b'bike. Lumabas ako sa kotse kahit maulan. It's Rain. Hinintay ko syang makalapit sakin at malayo pa lang nanlaki na ang mata nito huminto ito at bumaba sa bike.


"Where did you go?!" Iritadong tanong ko.



"Sa dulo nito" Turo pa nya kung saan sya galing.




"Mula pa kanina?!"



"Mmm" at tumango pa ito. Binuksan nya na ang gate at pumasok kami sa loob.





"Bakit ka nag paulan?! "





"Gusto ko maligo eh. Magpapalit muna ako" Akmang tatalikod sya sakin ng hablutin ko ang braso nya. Napangiwi ito at agad ko namang niluwagan ang kapit ko.




"What you did early is wrong Rain! You shamed her in front of many people! "





*LEARAIN*


"What you did early is wrong Rain! You shamed her in front of many people!" Galit na sabi nito. Yung kaninang biglang luwag ng kapit nya sa braso ko ay muling dumiin.


"She deserve it"




"Deserve?  Ang tapunan sya ng shake?!" Galit na wika nito. Kung hindi ko gagawin yun ay ako ang sasabuyan nya. Pero hindi ko sinabi yun. Bumuntong hininga na lang ako at tumingin sa ibang direction. Okay na ako kanina eh. Tapos eto na naman.





White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon