Naglalakad kami sa mall ng mapadaan sa isang malaking poster nanlaki ang mata ko at pinakatitigan maigi kung tama ba ang nakikita ko. Gosh! Si Blaze nga to!
Nagtakang nilingon ako ni Wallace ng higitin ko sila ng mabilis para makaalis sa lugar na yon ngunit nakakailang hakbang pa lang ako ng may tumawag sa pangalan ko. Agad akong napahinto at tumingin sa pamilyar na boses na yon.
"Lea!" Agad akong niyakap ng mahigpit. Naestatwa ako sa kinakatayuan ko at nakaramdam ng kaba. Unti unti ng nag paparamdam sakin ang nakaraan. Lutang akong inalalayan ni Quincy papalapit kila Kyle at Blaze kasunod ko ang mag ama ko.
"Sabi na eh si Lea eh" Anya.
"Kamusta? " Alanganing tanong ko. I don't know how to approach them, kinakabahan ako.
"Ayos naman, ikaw? " tanong ni Blaze sakin.
"O-okay naman" Nilingon ko ang mag ama ko at pinalapit sakin para ipakilala.
"Uhm He's Wallace my husband and our Son, Cloud" Napapalunok na pakilala ko. Nagkatininginan ang dalawa at parang naguusap gamit ang mata.
"Kyle pare" Nakipag shakehands ito tapos ay pinat ang ulo ng anak ko.
"Blaze" Nakipag kamay din sya kay Wallace matapos mag pakilala at pinat din ang ulo ng anak ko.
"Wallace pare"
"Hi im Quincy Best friend ni Lea" Pakilala naman ni Quincy. Yumukod ito para mag pantay sa anak ko. "Hi handsome! " Nakangiting sabi nito sabay halik sa pisngi ni Cloud.
Narinig kong may tinawag si Kyle, napalingon naman ako sa dalawang bata na malalaki na. Agad ko silang dinaluhan ng makilala.
"Oh my god! Jix? Jil? " mangiyak ngiyak ako habang yakap sila. Namiss ko ang dalawang to. Lumapit din si Quin na hindi makapaniwala.
"Kamusta kayo ha? "
"Okay naman po ninang ganda" Napangiti ako, akala ko ay nalimutan na nila ako.
"Namiss ko kayo, sobra" muli kong niyakap ang kambal.
"Sya nga pala sya si Cloud anak ko"
"Hello Cloud ako si ate Jil" Pakilala nya sa anak ko pero hindi ito pinansin man lang ni Cloud.
"Kasama mo na pala sila? Tang ina di mo ko binalitaan ah?" Tanong ni Blaze.
"Kagabi lang.. " Sagot ni Kyle. I was about to ask where is Loise pero naunahan ako ni Quin.
"Asan si Loise?" He only shrugged his shoulder bilang sagot. Mukhang hindi mabuti ang lagay nila ngayon.
"Hi Lil Bro— oh my god! Lea? Quin ?" Napalingon kami sa bagong dating. Dumagundong ang puso ko dahil sa kaba. Napakapit ako sa braso ni Wallace dahil bahagyang nanghina ang mga tuhod ko.
"You okay?" Bulong ni Wallace. I nod kahit hindi.
"Kamusta na kayo? Ikaw Lea? Wala ako balita sayo ah? "
"Okay naman Ate Blaire" Sinikap kong wag mautal. Nilingon nya si Wallace at bahagyang nagtataka.
"Jeez Blaire na lang okay? Nakakatanda masyado ang Ate ... Oh wait Wayne come here " Napasinghap ako at halos hindi na huminga, Napahigpit ang kapit ko sa braso ni Wallace at mukhang naiintindihan na nya ang nangyayari. Nanginig ang buong katawan ko at pakiramdam ko ay maiiyak na ako. Hindi pa ako handa. Akala ko ay aabutin pa ng ilang buwan bago uli kami mag kita,hindi ko inaasahang ilang araw lang pala ay muli kaming pagtatagpuin ng tadhana. Samut saring pakiramdam ang nararamdaman ko sa dibdib ko. Bumibigat ito at para akong matutumba sa sobrang kaba.
