CHAPTER 18

99 5 0
                                    


Nag start na ang graduation pero bakante pa rin yung upuan para kila Mom and Dad. Nagpupuyos ang damdamin ko sa sakit dahil wala pa sila, umaasa akong pag lingon ko doon ay nakaupo na sila, gusto kong maiyak at lumabas dito sa hall, gusto kong mag wala at punit punitin ang togang suot ko. They promise to me na a-attend sila pero bakit ngayon ay wala pa? Malapit ng tawagin ang pangalan ko at nawawalan na ako ng pag asang dadating pa sila. Im waiting for nothing,my eyes became blured and i was about to cry pero pinipigilan ko. Napalingon ako kila Quin,Blaze at Kylex na nanonood. They pity me and i hate it. Hindi ako dapat kaawaan. Nadako ang tingin ko kay Wayne na naka upo sa stage, he's looking at me worried. Nag iwas agad ako nang tingin. Batch na namin at tumayo na ako. Nakahilera na kami sa gilid ng stage. Hindi na ko lumingon pa dahil alam kong wala namang nakaupo doon.



"LEARAIN MAE HAWSTON" Inabot ko ang diploma at nakipag kamay humarap ako sa stage at ganun na lang ang panlalaki nang mga mata ko nang makita sila Mom na nakatayo sa upuan nila agad akong bumaba sinalubong nila ako nang yakap. Wala akong paki alam kung masira ko ang event na to.


"M-mom D-dad kala ko di na kayo darating" Sunod sunod na pumatak ang luha ko.




"Sorry sweet heart nasiraan kasi kami sa daan nag cab kami agad ang kaso ay traffic " Paliwanang ni Daddy.




"Ok lang po, ang mahalaga nakarating kayo" Hinaplos ni Mom ang buhok .





"We're making a scene here, balik ka na sa pwesto mo anak mag cecelebrate tayo mamaya" They kissed my forehead bago ako bumalik sa pwesto ko.

- -

Nakaupo ako ngayon sa tapat nila Mommy at nakayuko hindi ko maikubli ang nanginginig kong mga kamay. Nabibingi na rin ako sa lakas nang pag kabog ng puso ko. Habang ang katabi ko ay prenteng nakaupo at parang wala lang sa kanya ang nangyayari ngayon.





Lahat kami ay tahimik at tila ba malalim ang mga iniisip. Mula nang deretsahin sila ni Wayne na buntis ako at siya ang ama. Para ngang gusto ko syang bulyawan kanina dahil napaka straight forward nya. Kung may sakit sa puso ang mga magulang ko ay baka bigla na lang atakihin o himatayin.


"I will marry your daughter Sir, Ma'am. I will be the good husband and father for them" Basag ni Wayne sa katahimikan. Masarap sa pandinig at humahaplos sa puso ko ang sinasabi nya. Masarap sa pakiramdam, nakakagaan.


"More, say something" Anya ni Mommy kay Daddy. He sigh.

"Do you Love my daughter? " Bumilis nang husto ang tibok nang puso ko sa tinanong ni Daddy. Para akong naupos sa kinauupuan ko. Alam kong hindi masasagot ni Wayne ang tanong nya kaya pinangunahan ko na.



"Dad Mom we want your blessings" Pag iiba ko.


"Anak, ayos lang samin though your still young for this, hindi naman ako hadlang sa inyo. If you want to get married then its fine with me. But my questions is for him. I know you Love him and i want Aaron to answer me if he feel the same" Napalingon ako kay Wayne na nakatingin lang kay Daddy. Gusto kong malaman kung ano ba ang tumatakbo sa isip nya.



"I Love her" Napasinghap ako at nanlaki ang aking mga mata binalot nang kung anong saya ang puso ko sa binitawan nyang salita deretso at walang mababakas na anong emosyon. Dagling nawala ang sayang naramdaman ko at napalitan nang sakit. Hindi pa nya ako mahal. Sinabi nya lang yun para hindi magalit ang magulang ko sakin, sinabi nya yun para mapanatag ang kalooban naming tatlo. Napayuko ako at nag tutubig ang mga ko.


White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon