It's New year's day! Sobrang saya ko. Nandito kasi sila Mom and Dad at yung ibang kamag anak namin abroad. This is family reunion. At talaga namang namiss ko ang mga cousin's ko.
Mabuti na lang nga at mabilis gumaling ang mga sugat ko though may mga gasgas pa pero di na mahahalata yun. Magaling kasi mag alaga si Wayne eh. Napangiti ako ng malaki. Nagiba na sya. Ang sweet na nya minsan sakin at niyayakap ako pag nakahiga kami sa kama. Hindi ko alam kung ano nakain nun eh. Tapos minsan kinalikot ko yun phone nya. Hindi na My love ang pangalan ni Ate Blaire dun kundi Blaire na mismo. Ang saya diba?
"Hey couz! Amisyuuuuuuu! " Tili ni Eirah. She's my closest cousin. Niyakap ko saya ng pabalik.
"Namiss din kita Eirah. Gosh your so beautiful hiyang ka sa Amerika ah?"
"Haha oo eh. Ikaw din naman. Hitang dito sa pinas, may boyfriend ka na ba? " Sasagot sana ako ng biglang mag tilian ang mahaharot kong pinsan. "Anong meron?" Nag shrugged ako.
"Princess someone looking for you" Kinikilig na sabi ni Mom. Nagkatinginan kami ni Eirah. She's smiling like an idiot habang taas baba ang kilay nya.
"Who Mom? "
"Me"
Napalingon kaming tatlo sa gilid. Parang kuminang ang mga mata ko at nagkahugis puso sa likod ng taong to.
"Oh my gosh Lea he's so gwapo" Impit na tili ng pinsan ko habang binubunggo ako.
"H-hey" Sabi ko ng makalapit sya. Nahigit ko ang pag hinga ko ng halikan nya ako sa pisngi sa harap mismo ni Mom.
"Happy new year" Ngumiti ito. At inabot ang pahabang box na leather gold at may ribbon na silver.
"H-happy new year" Tsaka ko kinuha. Ehhh. Nakakahiya. Pulang pula na siguro ang mukha ko.
"Kyaahhhh ang gwapo ng boyfie mo Lea" Tili nang mga pinsan ko. Ngayon ko lang napansin na lahat pala sila ay nasa amin ang attention.
"Hello Ma'am im Aaron. Friend of Rain" Nakipag kamay ito kay Mom.
"Aaahhhh friend lang?" Dismayadong sabi ng mga pinsan ko.
Pinanlakihan ko sila ng mata. Mga sira ulo talaga."Oh hi Aaron. Im Leila. Call me Tita Leila. And the handsome over there is my husband. Hey Dad come here" Tawag ni Mom kay Dad habang nakikipag usap kay Tito Nikko. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.
"Yes honney?"
"This is Aaron, friend? of our Princess" May question mark sa salitang friend nito.
"Mom" Nakasimangot na tawag ko. Binigyan lang ako nito nang nakakalokong ngiti.
"Good evening Sir Im Aaron Wayne Zunberg" Tapos ay nakipag kamay kay Dad.
"Good evening. Are you related to Mr.Arnold Zunberg? "
"He's my Father Sir" Magalang na sagot nito. I saw Mom na napa "O" ang labi. Si Dad naman ang laki nang ngiti.
"It's so nice to meet you Aaron"
"Me too Sir"
"More, Call me Tito More"
"Tito More" Paguulit ni Wayne.
"Oh sya. Pakainin mo muna bisita mo anak" Mom said. Tumango ako. At hinigit si Wayne. Kumuha ako ng Plate at ako na mismo ang nag lagay ng foods na kakainin nya. Kumuha din ako ng desserts and drinks. Tapos ay nilagay ko sa tray. Kinuha ni Wayne yung tray sa kamay ko.
