CHAPTER 6

94 7 0
                                    

*Learain Mae*

Nag d'drive ako ng hindi matigil tigil ang luha sa mga mata ko. Walang lumalabas na hikbi o kahit anong tunog sa pag iyak ko. Kusa lang tumutulo ito sa mga mata ko.


Inihinto ko sa tabi ang sasakyan ko dahil sa sobrang pan lalabo ng mata ko. Sinandal ko ang ulo ko habang ang mga kamay ko ay nakahawak sa manibela.

Ilang ulit akong sinaksak sa sinabi nya. Kung paano ako naging kalmado sa harap nya? I don't know.  Siguro ay ganoon talaga ako kagaling mag tago ng nararamdaman ko.


Dahil ba kay Blaire, Wayne?  Dahil ba sa kanya?

Naghahabol ako ng hininga kasabay non ay ang mahinang pagkawala ng hikbi ko. Napasubsob ako sa manibela at tuluyan ng humagulgol.

Mahal ko sya eh. Pero siguro hindi talaga kami para sa isa't isa. Lahat binigay ko sa kanya halos wala na kong tinira sa sarili ko. Sa sobrang pag mamahal ko nalimutan ko ng mahalin ang sarili ko. Ngayon hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko sa buhay ko. Napakalaki sa parte ko ang nawala.


"Wayne. Bakit ba ang manhid mo? Bakit ba hindi mo maramdamang mahal na mahal kita at nasasaktan mo na ako? Ang sakit sakit Wayne. Ang sakit sakit" Pinalopalo ko pa ang kaliwang dibdib ko sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. Hindi lang sapat ang luha para maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Paano ba mawawala to? Paano ko tutulungan ang sarili ko?  Ni hindi man lang ako nakapag handa sa ganitong sitwasyon alam kong mangyayari to pero hindi ko akalin na ganito kaaga mangyayari.

Kahit anong gawin kong kalma ay tumutulo pa rin ang luha ko. Pinaandar ko ulit ang kotse at mabagal na nag drive. Nakarating ako sa bahay and i went to our mini bar. Sabi nila alak ang gamot para malimutan panandalian ang sakit na nararamdaman. Kumuha ako ng hard drinks at tinungga kahit panay ang hagulgol ko. Walang makakarinig sakin kahit umiyak ako ng malakas dito. Walang ang katulong at driver ko. Pinag bakasyon ko.

"Tangina pang tatlo ko na to pero bakit ang sakit pa rin?"

Inabot ako ng madaling araw bago tuluyang nakatulog sa couch na nandidito sa loob ng mini bar.









Dahan dahan kong minulat ang mata ko. Tanging dim light lang ang nagsisilbing ilaw dito sa buong mini bar at hindi ko alam kung anong oras na. Unti unti ko na ring naramdaman ang pananakit ng ulo ko . Umupo ako at nasapo ko ang ulo ko.

"Panandalian nga lang. Nananakit na naman kasi" Natawa ako ng pagak. Nag sisimula na namang mag init ang mga mata ko hanggang sa humikbi na nga ako. "Sshhh Lea tama na maawa ka sa sarili mo" Parang tangang kausap ko sa sarili ko.


Tumayo ako at kumuha muli nang alak at nilagok. Kung alak ang makakatanggal kahit panandalian maya't maya ako iinom para lang hindi ko maramdaman ang sakit. Napatingin ako sa wall clock. Its 2pm . Napabuntong hininga ako at marahas na pinunasan ang luha ko. Naka upo ako sa stool at sapo ang noo ko. Inom lang ako ng inom.



Maya maya ay may narinig akong nag door bell hinayaan ko lang. Pero hindi nag patigil at sunod sunod na nagingay.  Gumegewang gewang akong nag lakad patungo sa pinto.






"Oh my god!  Lea! " Pagkarinig ko ng boses nya ay kusang yumakap ang katawan ko at muling humagulgol sa balikat nya.



"Loise"



"A-ano bang nangyayari sayo ha?  Bakit ka nag kaganito?  Lea? " Garalgal ang boses nito at hinimas ang likod ko. Hindi ako nagsalita at iyak lang ng iyak.




White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon