Niyakap ko sya ng sobrang higpit walang syang tigil sa pag hagulgol sa balikat ko. Guilt,sad,pain,hurt yan ang naramdaman ko gusto kong magwala,galit ako sa sarili ko. Kanina ko pa nakikita ang sakit at takot dahil sa mga kinikilos nya. Halos hindi ako makahinga pag nakikita ko syang ganon. May anung kirot sa puso ko.
What have i done to her? Why am i doing this to her? Ilang beses ko pa ba sya dapat saktan?I didn't mean to say those words.Natakot lang kasi ako bigla baka kung ano mangyari sa anak ko, sa anak namin. Alam kong walang preno ang bibig ko pag galit ako. Alam kong masakit talaga ako magsalita. Pero yung nakita ko sa kanya ngayon? Nanghina ako. Hindi ko kayang magkaganito sya. Nasasaktan din ako.
Bumigat ang katawan nya sakin at hindi na rin umiiyak sinilip ko ang mukha nito. Mabigat ang paghinga nya. Nakatulog na sa katawan ko sa sobrang pag iyak. Binuhat ko sya at dinala sa kwarto nya. Dahan dahan ko syang nilapag sa kama. Tinitigan ko ang maganda at maamo na mataray nitong mukha. Imbis na magalit sya dahil sa mga sinabi ko kinimkim na lang nya iyon sa loob nya. Ayaw nya rin ako saktan dahil hindi nya kaya. Pero ako? Nagagawa ko yun sa kanya nang ganung kadali.
Napangiti ako nang mapait. Hindi ko alam kung paano ko maiibsan ang sakit na nararamdaman mo. Natatakot ako baka pag gising mo marealize mong hindi mo na kayang pakisamahan ako kahit pa sinabi mong mahal mo ako. Hinawakan ko ang kamay nya. "Isa lang ang hihilingin ko sayo. Wag kang susuko kahit nasasaktan na kita. Hintayin mo ko na mahalin ka" Yumuko ako at hinagkan sya sa noo tsaka ako tumayo at lumabas ng kwarto. Pumunta ako sa veranda dito sa kwarto ko at nagsindi nang sigarilyo. Muli na namang nagpuyos ang damdamin ko nang makita ko ang takot nya kanina nung lumapit ako. "K-k-kakain na ko ng marami please wag mo ko pagalitan" Sa mga salita nyang yon at pag iyak nya pati na rin ang pag taas baba ng dibdib nya sa sobrang takot at sakit. Tang ina. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pinagsusuntok ko ang pader hanggang sa dumugo at mamanhid ang kanang kamao ko hindi pa ko nakuntento at yung kaliwang kamao ko naman . Kulang pa to tangina. Parang gusto kong magpabugbog kay Kylex ngayon. Kulang pa tong sakit na to sa sakit na dinanas nya sakin. Ayoko nang ganito sya. Ayoko nang saktan sya. Hindi ko kayang makita sya ulit na ganito. Bakit ba kasi ganito ako?Inubos ko ang sigarilyo at kumuha nang alak sa mine ref ko. Tinungga ko yun at nagsindi muli nang sigarilyo. Daig ko pa broken hearted sa ginagawa ko. Hindi ko alam kung paano ako babawi sa kanya. Hindi ako marunong manuyo. Napaupo ako sa kama. Sari saring pakiramdam ang nararamdaman ko ngayon. Napabuntong hininga ako. Hindi pa man kami mag asawa pero kung saktan ko sya nakakatang ina lang. Fvck! Im so frustrated right now !
Naka ilang beer din ako at nang makaramdam na ako nang antok ay nahiga ako at natulog.
*LEARAIN*
Minulat ko ang mga mata ko nasa kwarto pala ako. Inamin ko na ang nararamdaman ko sa kanya kanina bago pa man ako mag pass out. Ano kayang reaction nya? Bumangon ako alas tres na nang hapon. Mahaba rin pala tinulog ko. Naligo ako at lumabas ng kwarto. Nadaan ko ang pasilyong kwarto ni Wayne. Huminga ako nang malalim bago pumunta don. Tinaas ko kamao ko para kumatok. Pero naisip kong .. ano namang sasabihin ko? Haist! Bahala na. Hindi na ako kumatok at pinihit ang seradura. Nangunot ang noo ko dahil sa dami nang alak sa table nya. Napailing ako at lumapit sa kama nya nakatihaya itong natutulog ang kanang kamay nya ay nasa mga mata nito at ang isa ay sa tiyan. Napatingin ako sa kamao nyang natuyuan na nang dugo at namumula. "Anong ginawa mo sa sarili mo?" Tanong ko kahit alam kong hindi sya sasagot. "Naguilty ka noh ? Kaya sinaktan mo sarili mo? Tsk. Sabi ko naman sayong ayaw kong nasasaktan ka eh" Tumayo ako at pumunta sa banyo binuksan ko yung cabinet sa taas ng sink at nakita ko ang first aid kit nya dun. Bumalik ako sa tabi nya at ginamot ang mga kamao nya tapos ay nilagyan ko ng gasa. Matapos ay binalik ko ang kit sa banyo. Pumunta ako sa table nya at nilinis ang kalat nya. Nang okay na lahat ay bumalik ako sa kanya. Yumuko ako at hinalikan ang tungki nang matangos nyang ilong tsaka ako lumabas. Wala akong nakitang katulong sa mansyon baka pahinga. Pumunta na lang ako sa kitchen nila. I want to bake a cake for him. Uhm peace offering para sa mga nagawa kong mali at para sa mga kasinungalingan ko.
