CHAPTER 3

104 8 0
                                    



Maaga akong nagising para gumawa ng almusal namin ni Wayne. Nag hilamos muna ako at nag toothbrush may gamit ako dito na iniiwan. Kulang na nga lang mag live in na kami. Pero syempre hindi pwede yun. I mean hindi pwede sa kanya yun.





Nag luto ako ng hotdog egg at ham. He hate to ate rice every morning kaya bread ang inihain ko. Syempre ganito na rin sakin. Ba't pa ko magsasaing diba? Maya maya ay narinig ko na ang yapak nya pababa.




"Goodmorning hon" Sinalubong ko sya at hinalikan sa labi.




"Morning too" Umupo sya sa pwesto nya. Ako naman ay pumunta sa coffee maker at nagsalin sa tasa nya. Ayaw nya ng may lasa ng tamis. Gusto nya yung lasa ng coffee lang talaga. Kaya ganyan itsura nyan eh mukha laging bitter haha. Nilapag ko ang tasa sa tabi nya sakin ay fresh orange juice.





Nagsimula kaming kumain ng magsalita ako "I already brought a 5 ticket to province" Tumingin sya sakin.




"And?"






"And all of you is coming with me. I already text them but si Quin and Blaze lang ang pumayag, hindi kasi nagreply si Kyle siguro puntahan na lang natin sya sa mansyon at kung kinakailangan eh itali natin sya para hindi makawala satin"




"Tss"





"Tss Tss. Ang tino mo talaga kausap eh no?" Nakakaimbyerna to eh. Ang haba ng sinabi ko tapos sya?  Tss lang?  Hustisya!





Matapos namin kumain ay nag pasya na kaming mag ayos its 7 in the morning at 9 ang flight namin siguro lunch nandun na kami.





Nag kita kita kami nila Blaze at Quin sa mansyon ni Kylex.






"Morning Tita Kyla"  Bati ni Blaze at Wayne.




"Morning po" Sabi namin ni Quin.




"Kayo pala?  Ang aga nyo ah?  Pasok kayo.  Nagumagahan na ba kayo?" Sunod sunod na tanong nito.





"Ah Tita. Kumain na po kami,  yayayain lang po sana namin si Kyle gumala sa probinsya po namin"





"Aba ah teka lang at gigisingin ko. Maupo muna kayo dyan" Umakyat si Tita at inantay naming bumaba si Kyle.



"Oh? " Bungad nya samin ng makababa na sya.




"Goodmorning too Kyle" Sarcastic kong sabi. "Mag ayos ka sasama ka samin and i dont take no for answer"




"Your killing me Lea" Tss OA neto.





"Ayaw mo ba sya makita?" Hindi sya nakaimik at muling umusbong ang lungkot sa mga mata nya.




"Sige na Kylex come with us na" Si Quin.




"Sige na Pre 9 ang flight binilhan ka ng ticket ni Lea sayang naman" Si Blaze. Napabuntong hininga sya.




"Wait for a minute" Napangiti ako at tumalikod na sya.









"Wow namiss ko tong lugar na to" Dinig kong sabi ni Blaze.




"Excited na kong makita si Loise! " Tuwang tuwa namang sabi ni Quin. Me too im excited to see her. I owe an explanation and Kyle deserve her explanation. Napatingin ako sa kanya he look uneasy and nervous.




White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon