~Jenny's POV~
Ako si Jenny.
Wala akong masyadong ikwekwento dahil boring ang buhay ko.
Ang masasabi ko lang...
Masyado akong malamig na tao, lagi lang akong tahimik, at hindi din ako masyadong palakaibigan.
Pagdating naman sa school, focus lang ako sa studies ko kaya siguro N.B.S.B ako, dahil sa unideal yung mga qualities na meron ako.
Nasa harapan na ako ng mga bago kong classmates para mag-self-intro. Sandali kong inilibot ang aking paningin at may isang lalaki ang nakakuha ng pansin ko. Tila nakatingin din siya sa 'kin, nang magtagpo ang aming mga mata ay bigla akong nakaramdam ng pagkailang kaya agad na din akong umiwas ng tingin, at sinimulan ko ng magpakilala.
After ko naman mag-self-intro ay umupo na ko sa bakanteng upuan na itinuro ng teacher.
~JC's POV~
Ako nga pala si JC.
Makulit, masayahin, medyo may pagkapilyo pero GWAPO... hehehe.
Popular ako dahil member ako ng sikat na dance group sa school.
Ang Dance 3-nity.
Bakit 3-nity??
Dahil tatlong members lang ang meron sa grupo namin.
Sila nga pala ang other members ng grupo.
Mula sa kaliwa: si Tom, si Jerry, at ako, ang leader ng grupo.
Positive akong tao, easy lang ako sa lahat ng bagay, at hindi ko yun masyadong sineseryoso dahil ayokong mastress.
Pagdating naman sa GIRLS...
Mahilig akong mag-entertain ng mga pumi-flirt sa 'kin, pero hindi ko sila sineseryoso.
Aaminin kong never pa kong nagkagirlfriend, dahil hindi ako nakikipag-commit at panay laro lang ang ginagawa ko, kaya naman wala akong idea sa kung paano ko ihahandle ang sarili ko kapag nakita ko na yung babaeng seseryosohin ko.
May bagong transferee sa school namin at classmate ko siya. Unang beses ko palang siyang makita ay nakuha na agad niya ang atensyon ko, at hanggang ngayon ay hindi ko pa din maalis ang tingin ko sa kanya.
Palagay ko...
Gusto ko siya.
BINABASA MO ANG
Be Mine [COMPLETED]
Short StoryPano kung tamaan ka ng pana ni kupido? Handa ka ba para panindigan at ipaglaban ay iyong nararamdaman?? Pano kung subukin ka ng pagkakataon? Makakaya mo bang magpakatatag para lang mapasayo yung taong mahal mo? Anong gagawin mo kung ikaw ang n...