Be Mine 4

1.5K 47 0
                                    

~JC's POV~

(Sa school)

Tom: grabe ka JC, ang usapan acting lang yung suntukan natin, bakit mo naman tinotoo?? Ang sakit ng katawan ko ha! (pareklamo)

Ako: sorry bro, naisip ko kasing baka masmapaniwala natin si Jenny sa acting natin kung tototohanin ko yung action ko eh.

Jerry: oh eh ano? Effective naman ba yung ginawa nating plano??

Ako: napaniwala naman natin siya, pero wala pa ding nangyari.

Tom: ano?? Matapos naming mabugbog ni Jerry, wala pa ring nangyari??

Ako: ganun na nga.

Papunta kami sa practice room nang makasalubong namin si Amber.

Amber: JC, pwede ba kitang makausap?.... in private??

Tulad ng gusto ni Amber ay pumayag akong mag-usap kami ng kami lang dalwa.

~Amber's POV~

(Flashback)

Napadaan ako sa may library nang hindi ko inaasahang makikita kong magkausap sina Jenny at JC, nagtago ako nang marinig ko ang pinag-uusapan nila.

JC: hindi naman kita pinagtritripan eh.

Jenny: eh ano yang ginagawa mo??

JC: Sabi ko naman sayo na seryoso ako sa sinabi ko, at handa kong patunayan yun. (pahinahon)

Jenny: alam mo, sa ginagawa mong yan, inilalagay mo ko sa alanganin. Ano nalang ang iisipin ng mga estudyante? Na flirt ako? at finiflirt kita?? Nananahimik ako dito at wala akong balak pumasok sa gulo, kaya pwede ba JC? Tigilan mo na ko? (sabay walk-out)

Tila nakaramdam ako ng bigat sa dibdib ko after ko marinig ang usapan nina Jenny at JC.

Kelangang gumawa na ko ng paraan bago pa mangyari ang kinatatakutan ko.

(End of Flashbak)

Agad kong inaproach si JC nang makasalubong ko siya sa hallway, pumayag naman siyang makausap ko.

JC: mukhang importante ata ang pag-uusapan natin at kinailangan pa nating mag-usap ng tayo lang?

Ako: oo importante talaga ang pag-uusapan natin, dahil tungkol yun sa 'ting dalwa.

JC: huh? Bakit? May TAYO ba?

Ako: manhid ka pa din ba hanggang ngayon!? Ha JC!!? (medyo pagalit)

JC: teka, bakit ka ba nagagalit?? Hindi kita magets. (paclueless)

Ako: syanga pala, nakalimutan kong.. para nga lang pala akong hangin sayo kaya wala kang idea sa mga sinasabi ko.

JC: ano bang gusto mong puntuhin?? Deretsahin mo na ko.

Ako: Gusto kita JC! Mahal na nga kita eh! 6th grade palang tayo may feelings na ko sayo! pero pano mo nga naman mapapansin yun kung lagi kang busy sa paglalaan ng atensiyon mo sa iba?! Ni minsan, hindi mo man lang ako pinaglaanan ng konting atensyon. Ganun ba ko ka worthless sayo para balewalain mo lang ako??

JC: teka Amber, pwede relax ka lang??

Ako: hindi JC! Pano ko magrerelax kung hindi na kaya ng dibdib ko ang sobrang sama ng loob!

JC: ano bang gusto mong gawin ko?

Ako: dalwang bagay lang ang gusto ko JC.... yung mapansin mo yung feelings ko sayo at yung maramdaman kong pwede rin akong mahalin ng kagaya mo. Yun lang JC.. yun lang.

After that conversation ay sinundan yun ng date, niyaya ako ng date ni JC at agad naman akong pumayag. Masaya naman ang naging date namin, pero hindi pa rin maiaalis sa 'kin ang mag-isip at malungkot.

Oo, magkasama nga kami ni JC pero ramdam kong wala sa 'kin ang puso at isip niya, dahil madalas ko siyang mahuli na malalim ang iniisip at wala sa ulirat niya.

Dun ko biglang narealize na hindi ko pala talaga kayang kunin ng buo ang puso niya, dahil okupado na siya ng iba which making me emotional. Hindi ko na napigilan ang biglang pagtulo ng luha ko, nang mapansin naman yun ni JC.

JC: oh Amber? Umiiyak ka ba??

Ako: (biglang punas ko sa luha ko) ah.. hindi, medyo napuwing lang ako kaya nagluluha yung mata ko.

Pero deep inside gusto ng bumuhos ng luha ko sa sobrang sama ng loob ko.

Hinatid ako ni JC sa bahay, nang nasa tapat na kami ng bahay ko.

Ako: uhm.. JC salamat ha?

JC: salamat saan?

Ako: salamat kasi pinagbigyan mo ko.

JC: ah.. wala yun.

Ako: uhm.. sige.. pasok na ko?

Aktong papasok na ko ng bahay nang bigla akong hawakan ni JC sa kamay.

JC: uhm.. Teka Amber.

Ako: Bakit? May gusto ka bang sabihin sa 'kin??

JC: ah.. uhm.. Sorry.

Nagets ko agad yung gusto niyang iparating, my tears already wants to fall pero sandali ko yung pinigilan.

Ako: (teary-eye) so.. sorry?? Sorry para san??

JC: sorry kung.. dinedeadma lang kita, sorry kung naramdaman mong worthless ka, at sorry din kung..... (medyo tumungo) kung hindi kita kayang mahalin.

Tumungo ako dahil tuluyan ng tumulo ang luha ko.

JC: ayaw kitang paasahin, dahil alam kong masasaktan ka lang din, kaya ngayon palang humihingi na ko ng tawad, dahil hindi ko maibibigay sayo ang gusto mong atensyon at pagmamahal. Sorry Amber.

Humahagulgol na ko, pero sandali akong tumahan nang iaangat ko muli ang ulo ko.

Ako: (huminga ako ng malalim sabay medyo napatawa) ang sakit pala talagang mareject?? (muli na ulit akong napaiyak) Ang sakit-sakit!... Alam ko namang mangyayari 'to eh, salamat nalang din sa pagpapakatotoo mo, atleast hindi mo ko pinaglaruan diba? At dineretso mo sa 'kin na wala talaga akong pag-asa sayo. Yun nalang siguro ang ipagpapasalamat ko. (pinunasan ko na ang luha ko) uhm.. sige na, umalis ka na, papasok na ko. (paalam ko)

Tuluyan na kong nag-iiyak pagkarating ko sa kwarto ko.

Be Mine [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon