~JC's POV~
(Sa Practice Room)
Habang nagpapahinga.
Jerry: Hey! Cute yung bagong transferee diba?
Tom: oo, kaya nga halos matunaw na siya sa titig ni JC eh. (tukso sa 'kin)
Ako: hoy hindi ko kaya siya tinititigan!
Tom: Ah talaga? tatanggi ka pa eh kita kaya kita kanina.
Jerry: JC tinamaan ka yata kay Ms. Transferee ah?
Ako: Ikaw ang tatamaan diyan kapag hindi ka tumigil Jerry.
Jerry: Teka, bakit ako? Eh si Tom naman ang nanguna ah?
Ako: pareho kayo.
Lagi ko lang pinagmamasdan si Jenny, hindi ko kasi alam Kung bakit nawawalan ako ng lakas ng loob sa tuwing susubukan ko siyang lapitan.
~Jenny's POV~
Tahimik lang akong namumuhay sa bago kong nilipatang school, thank God at wala pa namang bumabasag sa katahimikang yun ex. Bullying. Sa kabila ng malamig kong pakikitungo sa ibang mga estudyante ay nagkaron pa din ako ng kaibigan...
Si Amber.
Ang unang classmate ko na naging kaclose ko, dahil sa taglay niyang kadaldalan na kahit ganu pa ako katahimik na tao ay napapaimik niya ako.
At para sa kanya, si JC ang true love niya.
(Sa Canteen)
Amber: Alam mo I like you.
Ako: huh?
Amber: Ah.. don't misunderstand ha? What I mean is I like you to be my friend, kasi nakita kong match tayo eh. Tahimik ka, madaldal ako, so I think that I can share secrets with you, diba? Can I??
Ako: ah oo naman, hindi din naman kasi sa 'kin big deal yun eh, kaya pwede mong sabihin sa 'kin lahat.
Amber: ah talaga? mabuti naman! So we're friends na?
Ako: okay.
Sa mga classmates ko kung sino lang yung kumausap sa 'kin yun lang din ang kakausapin ko, pero madalas si Amber lang talaga ang kakwentuhan ko. Madalas lang din akong mag observe sa klase and base on my observation, yung grupo nina JC Nam ang pinakamaingay, at si JC naman ang pinakapasaway na estudyante sa klase namin. Hilig niyang pagtripan ang mga classmates namin, at sa sobrang pasaway niya ay siya ang paboritong sawayin ng mga teachers namin.
Parang ako nalang ata ang hindi pa niya napapagtripan??
Hindi rin naman kasi kami close, ni hindi din kami nagpapansinan, at wala rin naman pati akong balak na magpabiktima sa kapilyohan niya.
Napansin ko ding madalas magpapansin si Amber kay JC pero tila lagi lang din siyang deadma sa kanya.
Ako: ganun mo ba talaga kagusto si JC? Na kahit parang hangin ka lang sa kanya ay pilit mo pa ding kinukuha ang atensiyon niya?
Amber: nasa 6th grade palang kami gusto ko na si JC, pero until now hindi pa din niya napapansin yun.
Ako: hindi niya napapansin o ayaw niyang pansinin? Mahirap din kasing ipagpilitan kung ayaw nung tao eh.
Amber: na in love ka na ba?
Ako: huh? Ako? Hindi pa, bakit mo naman naitanong?
Amber: sa mga salita mo kasi parang naka experience ka ng mainlove eh? haiyss.. pero ganun lang siguro talaga? sabi nga nila "True Love waits" malay mo naman someday mapansin din ni JC yung feelings ko for him.
Ako: sana nga.
~JC's POV~
(Sa practice room)
Ako: mga bro, in love na ata ako???
Tom: huh? Pano mo naman nasabi??
Ako: hindi ko nga alam eh, basta simula nung unang araw na magtransfer si Jenny sa klase natin eh lagi nalang na sa kanya ang atensyon ko, bigla nalang din akong nawalan ng ganang mag-entertain ng ibang girls, at siya nalang lagi yung nasa isip ko.
Jerry: Hala bro! Tinamaan ka nga! Naks! Na love at first sight ang brother natin! Binata na siya! (patukso)
Ako: tumigil ka nga diyan Jerry! Ano bang dapat kong gawin? Hindi ko siya magawang malapitan eh.
Tom: wag mong sabihing natotorpe ka sa kanya?
Ako: hindi ako torpe ha, alam niyo yan! Malay ko ba? eh ngayon ko lang naman naramdaman 'to.
Jerry: haiyss.. sige bro, wag kang mag-alala, tutulungan ka namin. (sabay akbay sa 'kin.)
~Jenny's POV~
Sa klase...
Teacher: class, ito ang first project niyo for this month and I've decided to make it by partner. So please choose your partner.
Inapproach ko si Amber.
Amber: Ay Jenny sorry ah? Inapproach na kasi ako ni Lorry eh, pasensiya na talaga?
Ako: ah okay, sige ayos lang.
Matapos ang ilang minuto.
Teacher: okay class, may partners na ba ang lahat??
Biglang tumaas ng kamay si Jerry.
Jerry: Ma'am si JC po wala pang partner!
Teacher: oh Mr. Nam, bakit wala ka pang partner??
JC: Ah Ma'am.. kasi...
Teacher: Mr. Nam sino ba ang dapat mong partner??
Laking gulat ko nang ako ang ituro ni JC. Bigla namang naghiyawan ang mga classmates namin.
Lahat: ayiieeehh!!!
Teka, ako? Bakit ako??
S1: Si Ms. Transferee naman pala ang gusto ni JC eh, yun oh! (patukso.)
Ako: bakit ako?? Ni hindi nga kami close eh.
Teacher: sige na class, arrange your chairs and meet your patners.
No choice ako kundi ang pumartner kay JC na siya mismo ang pumili sa 'kin para maging partner niya. Habang magkaharapan kaming dalwa ay ramdam ko ang mata ng lahat na nakatingin sa 'ming dalwa.
Akward..
Hindi ko alam kung paano sisimulan ang usapan namin sa sobrang awkward ng sitwasyon para sa 'kin. parehas kaming tahimik at tila nag-aantayan sa kung sino ang unang magsasalita.
JC: Hi. (Unang salitang inimik niya sa 'kin.)
Hindi ako sumagot sa bati niya at ilang sandali pa akong nanahimik. Nang malaman ko na yun mga salitang sasabihin ko ay agad kong sinabi yun ng deretso sa kanya.
Ako: uhm.. partners lang tayo sa project na 'to, at kung mag-uusap man tayo dapat about lang sa project wala ng iba pa, nagkakaintindihan ba tayo?
JC: ah.. okay.
Sabay ring ng bell.
Teacher: okay class, that's all for today.
Matapos ang klase ay hindi na ulit kami nagpansinan ni JC.
BINABASA MO ANG
Be Mine [COMPLETED]
Short StoryPano kung tamaan ka ng pana ni kupido? Handa ka ba para panindigan at ipaglaban ay iyong nararamdaman?? Pano kung subukin ka ng pagkakataon? Makakaya mo bang magpakatatag para lang mapasayo yung taong mahal mo? Anong gagawin mo kung ikaw ang n...