~JC's POV~
Tom: Ano JC, kamusta naging usapan niyo? Nakadiskarte ka ba?
Ako: hindi nga eh, ni hindi nga ako nakaimik masyado eh. Masyado kasi siyang straightforward magsalita, kaya hindi ko nagawang dumiskarte.
Jerry: di bale ayos lang yun bro, marami ka pa namang chance eh, samantalahin mo nalang yung pagiging partners niyo.
~Jenny's POV~
(Sa canteen)
Amber: uhm Jenny.. can you do me a favor??
Ako: ano yun Amber?
Amber: wag kang maiinlove kay JC.
Ako: huh?
Amber: ngayong alam ko ng posibleng may gusto sayo si JC, siguradong gagawa siya ng paraan para makuha ang loob mo, kaya sana lang Jenny.. kahit anong gawing kasweetan ni JC sayo.. wag kang mafofall.
Ako: ano bang sinasabi mo Amber? Partners lang kami ni JC sa project, wala naman akong nakikitang big deal dun??
Amber: meron Jenny, at maging sa buong klase natin ay big deal ang pagiging partners niyo ni JC, because that's the first time that JC pint-point a person who he wants to be his project buddy na never pa niyang ginawa before, and because of that, understood na yun ng buong klase na may gusto sayo si JC.
Ako: huh? Ganun ba yun??
Amber: kaya nga Jenny as a friend ay gusto kitang paalalahanan, na kung ayaw mong mainvolve sa rumors at kung gusto mong imaintain ang peacfull life mo dito sa school.. wag kang mafofall kay JC. Concern lang din ako sayo kaya sinasabi ko 'to sayo.
Ako: ahh.. salamat sa concern Amber. Uhm.. sige, gagawin ko yun.
~JC's POV~
(sa library)
Habang gumagawa kami ni Jenny ng project ay tila hindi ako komportable sa sobrang katahimikan ng ambiance sa pagitan naming dalwa.
Ang awkward naman! Hindi ako sanay ng ganito.
Ako: uhm.. ano nga palang trabaho ng parents mo?
Jenny: (deadma)
Ako: solong anak ka ba o may kapatid ka??
Jenny: diba sabi ko kung mag-uusap tayo dapat about lang sa project at wala ng iba pa? (paseryoso)
Ako: ahh.. pasensya na, ang awkward lang kasi eh, hindi ako sanay.
Jenny: (biglang tayo) tapos ka na ba sa part mo?
Ako: ah.. oo (sabay abot ko nung papel)
Jenny: sige bukas nalang ulit, una na ko. (paalam niya)
Hinabol ko si Jenny paglabas ng library.
Ako: Jenny!
Jenny: (lumingon) bakit?
Ako: ahh...... ingat pag-uwi.
Tila dinaga na naman ako at yun lang ang nasabi ko.
Haiyss.. ano bang nangyayari sayo JC?! Kelan ka pa ba natorpe sa babae!? Haiyss.. ang tanga tanga mo!!
~Jenny's POV~
Laging awkward ang setup namin ni JC sa twing gumagawa kami ng project, pero deadma lang ako sa awkwardness na yun at masnagfofocus nalang ako sa ginagawa ko. Pansin kong pilit niyang sinusubukang basagin ang awkwardness sa 'ming dalwa pero it always ends up unsuccessful, dahil madalas ko siyang barahin at iwasan.
Ako: tapos ka na?
JC: ah oo. (sabay bigay nung papel.)
Tumayo na ko. at aktong aalis na ko nang bigla akong matigilan sa sinabi niya.
JC: Jenny pwede ba kitang ligawan?
Ako: (nilingon ko siya) ano? (medyo gulat)
JC: hindi kita piniling maging partner sa project na 'to para lang mauwi sa wala. (sabay tayo) Gusto kita Jenny.
Bigla kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko, pero hindi ko yun ininda.
Ako: nababaliw ka na ba?? pasensiya na ha? pero wala akong panahong sakyan yang trip mo. (paseryoso) Sige, mauna na ko. (paalam ko) At syanga pala, tapos na tayo sa project natin kaya wala ng dahilan pa para magmeet tayo. Ako nalang din ang magsasubmit nito kaya wala ka ng dapat ipag-alala, geh. (sabay alis ko)
Naglalakad ako palayo sa kanya nang bigla kong marinig na magbitaw siya ng salita.
JC: Jenny! Seryoso ako sa sinabi ko at patutunayan ko yun!
Hindi na ko lumingon pa at patuloy lang akong naglakad palayo.
BINABASA MO ANG
Be Mine [COMPLETED]
القصة القصيرةPano kung tamaan ka ng pana ni kupido? Handa ka ba para panindigan at ipaglaban ay iyong nararamdaman?? Pano kung subukin ka ng pagkakataon? Makakaya mo bang magpakatatag para lang mapasayo yung taong mahal mo? Anong gagawin mo kung ikaw ang n...