~Jenny's POV~
Naglalakad na ko papasok ng school nang makita ko si JC, nakatayo siya sa may tawiran at halatang patawid nang bigla kong mapansin na may paparating na humaharurot na motor, hindi naman ako kalayuan sa kinaroroonan ni JC kaya hindi ako nahirapan na makalapit agad sa kanya. Agad ko siyang hinatak para iiwas siya sa disgrasya. Sa bilis ng pangyayari at sa lakas ng paghatak ko sa kanya ay na-out of balance kaming dalwa. Nang imulat ko ang mata ko ay mukha ni JC ang bumungad sa 'kin, sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko, nang maramdaman ko ang pagkapal ng pisngi ko...
Ako: wala ka bang balak bumangon? Ang bigat mo kaya.
Agad bumangon si JC at sunod niya kong tinulungang makatayo. Nang makatayo na kaming pareho...
Ako: uhm.. Quits na tayo ha.
Nang biglang may mapansin sa 'kin si JC.
JC: teka, nagblablush ka ba??
Ako: (medyo naghisterical ako) huh? Ah.. hindi ah! (nang makaramdam ako ng pagkailang) Mauna na kong pumasok. (sabay alis ko)
JC: nagblablush ka eh!..... hoy teka, sabay na tayo! (sabay sunod)
Pagdating ko sa school ay nakita ko si Amber sa hallway at halatang papasok na din ng classroom, kaya agad ko siyang nilapitan. Nang makalapit ako sa kanya ay agad kong napansin ang namumugto niyang mata.
Ako: oh Amber? Napano mata mo? Bakit parang namumugto? Umiyak ka ba??
Medyo ikinabigla ko at sobrang ipinagtaka ko nang hindi ako pinansin ni Amber, dumeretso lang siya papasok ng classroom.
(Sa canteen)
Solo akong naglalunch nang biglang makishare ng table sa 'kin si JC.
Ako: ikaw?? (medyo pagulat)
JC: bakit? Masama bang maki-share ng table??
Ako: hindi naman. (sabay tayo)
JC: oh teka, kauupo ko lang aalis ka kaagad? Baka pwedeng mag-usap tayo kahit sandali lang?
Ako: wala naman tayong pag-uusapan eh.
Aktong aalis na ko nang hawakan ni JC ang kamay ko.
JC: teka, wag mo naman akong iwasan?
Nang mapatingin ako sa kanya ay tila nabasa ko sa mga mata niya ang pagmamakaawa, kaya napilitan akong umupo ulit.
Ako: ano bang pag-uusapan natin?
JC: gusto lang sana kitang yayaing lumabas.
Ako: lumabas?? As in.. date??
JC: Oo, ganun na nga. Kung okay lang sayo?
Hindi agad ako sumagot.
JC: ano? Payag ka ba?
Wala naman sigurong masama kung susubukan ko? para matigil na din siya.
Ako: Uhm... sige.
JC: sige?? As in.. OO?? Payag ka??
Ako: oo nga.
JC: yes! (patuwa) Uhm.. sige, set natin this weekend??
Ako: okay.
(Judgement Day)
Between life and death ang araw na 'to, dahil sa date na 'to nakasalalay ang kapalaran ng mga puso naming dalwa ni JC.
It's either magkakamabutihan ba kami o magkakaiwasan na forever.
BINABASA MO ANG
Be Mine [COMPLETED]
Short StoryPano kung tamaan ka ng pana ni kupido? Handa ka ba para panindigan at ipaglaban ay iyong nararamdaman?? Pano kung subukin ka ng pagkakataon? Makakaya mo bang magpakatatag para lang mapasayo yung taong mahal mo? Anong gagawin mo kung ikaw ang n...