~JC's POV~
Umaga na nang magising ako, at medyo naalimpungatan pa ko nang makita kong janitor ang gumigising sa 'kin.
Janitor: iho gising na! Pambihira kayong mga bata kayo, ginawa niyo pang hotel itong eskwelahan, wala ba kayong bahay at dito pa kayo natulog?? Tsk, tsk, tsk!
Ako: ah.. pasensiya na po.
Pagkaalis nung janitor ay napansin kong mahimbing pa din ang tulog ni Jenny habang nakahilig siya sa balikat ko, pero kinailangan ko na siyang gisingin agad. Nang magising na si Jenny ay agad na kaming lumabas, pero hindi ko inaasahang makakasalubong kami ng early bird kong classmate sa pintuan.
S1: oh! JC? Jenny?? (medyo pagulat) wag niyong sabihing... nag-overnight kayong dalwa dito sa school??
Ako: ah.. oo eh, nag-ghost hunting kasi kami kagabi. Sige ah. (sabay alis na namin ni Jenny)
Matapos naming makapag-usap ni Jenny ng gabing yun ay naging okay na ulit kami, kaya naman bumalik na yung dati kong sigla at saya.
Tom: JC mukhang okay ka na ah? Nakakangiti ka na ulit eh.
Ako: okay na ulit kasi kami ni Jenny eh.
Jerry: buti naman at maganda ang naging resulta ng pag-oovernight niyong dalwa sa school.
Biglang siniko ni Tom si Jerry.
Ako: huh? Pano niyo nalaman?? Teka, kayo bang dalwa ang may kagagawan sa 'min nun?? Magsabi kayo ng totoo.
Jerry: ah.. eh.. idea kasi yun ni Tom eh.
Tom: Hoy Jerry, pumayag ka din naman sa plano ko ah.
Jerry: pero effective naman diba??
Ako: bakit depensive kayo? Hindi naman ako galit eh. Nagpapasalamat pa nga ako sa inyo dahil nag-effort kayong mapag-ayos kami ni Jenny. Salamat mga bro ha?
Tom: ano ka ba naman JC? Wala yun noh! Halos magkakapatid na din ang turingan natin eh.
Jerry: tama si Tom, kung sa 'min naman nangyari yun, sigurado namang ganun din ang gagawin mo diba??
Ako: salamat talaga ah? Pero.. may gusto lang sana akong hilingin ulit sa inyo? Medyo kinakailangan ko kasi ng malaki-laking effort para sa gagawin kong 'to eh?
Tom: sige, ano ba yun?
Ako: itotodo ko na ang panliligaw ko kay Jenny.
Jerry: Talaga? Wow! Good for you! Asahan mong hindi ka mapapahiya.
~Jenny's POV~
Napagdisisyonan ko ng magpakatotoo na sa tunay kong nararamdaman, kaya naman si Amber ang una kong kinausap para liwanagin ang lahat.
Ako: Amber, ayoko ng itago pa ang tunay kong nararamdaman, ayoko na ding magpanggap, at gusto ko ng linawin ang lahat. May karapatan kang magalit after nito, pero agad din ako humihingi ng tawad dahil sa pagpapakatotoo ko. Amber, hindi ko 'to inasahan at hindi ko din pinlano, kusa nalang siyang nangyari at kusa ko nalang ding naramdaman. Hindi ko intensyong saktan ka, at hindi ko din ginustong magkaron ka ng sama ng loob sa 'kin, pero Amber.... Mahal ko na si JC! Sinubukan ko naman siyang iwasan para sayo eh, pero hindi ko na din kinaya. Sana mapatawad mo ko?
Amber: (huminga ng malalim) dapat ko na nga sigurong isuko si JC? At dapat ko na din sigurong tanggapin na wala na talagang pag-asa na maging kaming dalwa pa. Dahil simula palang naman, wala na talagang feelings sa 'kin si JC, at kahit kelan hindi niya ko magagawang mahalin gaya ng pagmamahal niya sayo Jenny.
Ako: Amber, kung hindi man kaya ni JC na mailaan sayo ang pagmamahal na hinahanap mo, siguradong may darating din sayo na siyang gagawa nun.
Amber: I can't believe this! I'm supposed to be shouting and angry with you, but what I'm feeling right now is.... I'm feeling sorry ang guilty!... Sorry din Jenny kung naging makasarili ako at pareho ko pa kayong pinahirapan ni JC. Because the last time that JC and I talked, dun ko lang narealize na ang sama-sama pala talaga ng ginawa ko sa inyo. Sana mapatawad mo ko Jenny.
Ako: Naiintindihan naman kita Amber eh, kaya wala na sa 'kin yun.
Amber: Thank you Jenny.
Niyakap niya ko, at sa pagbitaw niya sa 'kin..
Amber: friends pa rin ba tayo??
Ako: oo naman, hindi naman nagbago yun eh.
Maluwag na kong nakakahinga matapos kong masettle ang lahat ng issues ko sa mga kaibigan ko. At ngayon, confident ko ng masasabi kay JC ang tunay kong nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Be Mine [COMPLETED]
Short StoryPano kung tamaan ka ng pana ni kupido? Handa ka ba para panindigan at ipaglaban ay iyong nararamdaman?? Pano kung subukin ka ng pagkakataon? Makakaya mo bang magpakatatag para lang mapasayo yung taong mahal mo? Anong gagawin mo kung ikaw ang n...