Be Mine 6

1.5K 45 1
                                    

~Jenny's POV~


One time, pagpasok ko ng school ay may tatlong babae ang agad na kumompronta sa 'kin. Kinorner nila ako sa isang tabi.

S1: hey! Tapatin mo nga kami, may relasyon ba kayo ni JC?

Ako: huh? Wala.

S2: sinungaling! Akala mo ba hindi namin napapansin na masyado ka ng close sa kanya?

S3: patahi-tahimik ka lang dyan, pero ang totoo FLIRT ka!

Ako: teka nga, linawin ko lang ha? Wala nga kaming relasyon ni JC, at lalong HINDI AKO FLIRT.

S1: Ah talaga? Girls, hawakan niyo siya!

Kinapitan ako nung dalwa sa tigkabila kong braso.

Ako: teka, anong binabalak niyo ha? Bitawan niyo nga ako!

S1: siguradong magtatanda ka at lalayuan mo si JC matapos ng gagawin namin sayo. (sabay labas ng gunting)

Medyo naghisterical ako nang magets ko ang binabalak nila sa 'kin. Nakita ko namang dumaan si Amber at nakita din niya ako sa ganung sitwasyon, pero nadisapoint ako at nalungkot nang magpatay malisya siyang dumeretso papasok ng classroom.

Ako: ano ba! bitawan niyo nga ako!

Bago pa nila mahawakan ang buhok ay biglang dumating si JC.

JC: hoy! anong ginagawa niyo sa kanya?! (pasita)

Nagulat yung tatlo nang makita si JC, nang makalapit si JC sa 'min ay agad akong binitawan nung dalwang babae at agad din akong kinuha ni JC mula sa kanila.

JC: at ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo ha?

S1: because she's a flirt! And she's flirting you! Don't you see that?? Kaya tinuturuan lang namin siya ng leksyon.

JC: at ano naman sa tingin niyo ang karapatan niyo para gawin yun?? wala kayo sa lugar para magparusa ng taong inusente.

S2: bakit JC? Sino ba yang babaeng yan sa buhay mo at ganyan mo nalang siya idefend??

JC: ang babaeng nasa harapan niyo.... ay girlfriend ko, kaya wala kayong karapatan para saktan siya o gawan ng kalokohan, naintindihan niyo ba ko??

Hindi na nakasagot yung tatlo.

JC: sige na, umalis na kayo at baka kayo pa ang mapagtripan ko.

Walang imik namang nagsialisan ang mga babae.

JC: Jenny, okay ka lang ba? nasaktan ka ba? (medyo paalala)

Ako: hindi naman, okay lang ako. (paseryoso) Bakit mo naman sinabi yung sa kanila??

JC: ang alin?? Yung girlfriend kita?? simple lang, para tigilan ka na nila. Takot lang nilang galawin ka pa ulit. (medyo payabang)

Ako: ang yabang mo, dyan ka na nga. (medyo padisapointed)

JC: teka Jenny! Hintayin mo ko! (sabay sunod)


Wala naman talaga kaming relasyon ni JC eh, pero yung pagkakaintindihan namin parang papunta na dun.

Ito nga ata yung tinatawag nilang "mutual understanding"?

Nang magkaron ako ng pagkakataon para makausap si Amber ay hindi ko na yun pinalampas. Agad kong inapproach si Amber nang makita ko siya sa locker.

Be Mine [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon