~JC's POV~
Sa pagpasok ko kinabukasan ay daig ko pa ang nanalo sa lotto sa sobrang ganda ng mood ko, binabati ko ang lahat ng makasalubong ko, at maging sa classroom ay binati, nginitian, at inapiran ko ang lahat ng classmates ko.
Tom: mukhang maganda yata ang gising mo ngayon JC ah?
Ako: syempre, maganda din ang tulog ko kagabi eh.
Tom: bakit? Ano bang napanaginipan mo para gumanda ng ganyan ang mood mo??
Ako: yun na nga eh, gusto kong papaniwalain ang sarili kong panaginip lang yun, pero hindi eh, totoo siya bro! Totoo!
Jerry: ha? Bakit? Ano bang nangyari kagabi?? Naka score ka ba??
Tom: baka naka score nga?
Ako: wag nga kayong mga malisyoso, kung ano man yung iniisip niyo, hindi yun yun. Hindi ganung klaseng babae si Jenny.
Tom: eh ano nga kasi ang nangyari??
Ako: gusto niyo talagang malaman?? Lumapit kayo.
Nang ilapit naman nila yung tenga nila..
Ako: Secret.. bleh!
Agad silang umangat.
Jerry: pambihira ka naman JC eh, pambitin ka eh.
Ako: tsaka ko na sasabihin sa inyo kapag official na kami. Okay ba yun?
Jerry: okay, sabi mo eh.
Sa pagsisimula ng unang subject namin ay may bago na namang transferee ang pumasok sa klase namin. CJ ang pangalan nung transferee, at unang kita ko palang sa kanya ay hindi na agad maganda ang naging aura ko sa kanya, lalo na nung magkita sila ni Jenny na tila agad silang naging close.
Break time..
Aakitin ko sanang sumabay si Jenny sa 'min pero agad akong naunahan nung transferee. Habang pinagmamasdan ko silang magkasabay na kumakain sa canteen, kung ano yung iginanda ng mood ko kaninang umaga ay bigla yung nawala at napalitan ng sama ng loob. Sa sama ng loob ko ay hindi ko na namamalayang nagdadabog na pala ako.
Tom: Hoy JC. (tawag niya sa 'kin) Kung may kaaway ka, wag mong ibunton yung galit mo dyan sa manok, kawawa naman yan oh? Masyado mong minimurder? (medyo pabiro)
Jerry: chill ka lang bro. Sino bang kaaway mo?
Bigla kong itinigil yung pagdadabog ko.
Ako: pano naman kasi yung CJ na yun, ke bago-bago, eh dumidiskarte na agad kay Jenny.
Tom: pano yan JC? Mukhang magkakaron ka pa ata ng karibal kay Jenny?
Jerry: selos ka naman. (dagdag pa niya)
Ako:ako? Magseselos? Hindi noh! Bakit naman ako magseselos? Eh kung pagkukumparahin kaming dalwa, di hamak namang mas malakas ang apeal ko at mas gwapo ako sa kanya noh!
Jerry: eh bakit sila ni Jenny mo ang magkasama ngayon? At parang close pa agad sila?
Ako: aba malay ko! naunahan lang naman niya akong mag-akit kay Jenny eh. Teka nga lang Jerry, kaibigan ba talaga kita? Sa halip na icheer up mo ko, eh dinadown mo pa ko?
Jerry: hindi naman sa ganun bro.
~Jenny's POV~
Laking tuwa ko nang magtransfer sa school si CJ.
BINABASA MO ANG
Be Mine [COMPLETED]
ContoPano kung tamaan ka ng pana ni kupido? Handa ka ba para panindigan at ipaglaban ay iyong nararamdaman?? Pano kung subukin ka ng pagkakataon? Makakaya mo bang magpakatatag para lang mapasayo yung taong mahal mo? Anong gagawin mo kung ikaw ang n...