Chapter I - Sumama ako sa mga estranghero

148 2 0
                                    

THE OLYMPIAN'S DEMIGOD : The Assemble                -BOOK 1-

by :Crestian Padro

                                                                                  Chapter  I

                        Araw na naman ng pagpasok sa paaralan, magkikita na naman kami ng mga kaibigan kong walang ibang gawin kundi ang matulog sa silid aralan.

                         ''Jake'', tawag sa'kin ni inay. ''Nay? Bakit po?''. sagot ko naman.    ''Naiwan mo itong baon mo sa mesa ,'' sambit nya.

                          Agad-agad kong kinuha ang baon ko at nagpaalam sa nanay kong maiiwan sa bahay mag-isa. Palagi nalang ganyan ang nangyayari sa tuwing may pasok ako. Hindi ko alam kung nasaan ang tatay ko at ang masaklap pa ay kahit mukha at pangalan n'ya ay 'di ko alam . Ayaw kasi itong banggitin ng ina ko.

                           Nakarating na ako sa paaralan, patakbong palapit sa akin si Nick , isa sa mga kaibigan ko. Halos magkaparehas lang kami ng edad, labing-anim. Ngunit para bang mas bata pa siya tingnan kaysa sa'kin.

                            ''Hoy Jake, ang tagal mo ah !Sabi mo darating ka sa oras,'' sigaw nya.

''Ang sarap kasi matulog ,'' sagot ko na may kasamang ngiti. ''Saktong-sakto walang masyadong tao sa labas, tara pasok na tayo,'' dagdag ko.

                           Hindi naman sa pagmamayabang ngunit kilala ako sa paaralan bilang kinagigiliwan ng mga babae at sa galing ko sa musika. Habang naglalakad kami papuntang silid aralan ay may boses akong narinig na nagsasabing : ''Lumabas ka anak ng liwanag at sumama ka sa akin,''  

                                 Hindi ko alam kung saan ito galing, ngunit lumabas ako upang malaman ito . ''Dito ka lang Nick, babalik ako '', pagpapaalam ko sa kanya.

                                   '' Wala namang ganyanan, sama ako'', sambat n'ya.

                                  Sumama si Nick sa'kin papuntang labas ngunit laking gulat namin na may biglang kumalat na apoy sa aming daanan.

                                ''Takbo Nick! '', sigaw ko sa kanya. '' Naku, nasusunog yata yong buhok ko! '', sambit niya kasabay ng pag-aapula ng apoy sa buhok.

                                      Habang tumatakbo kami papalayo sa nasusunog na daanan, may biglang sumalobong sa'min na may dala-dalang espada at panangga.

                                       ''Dumaritso kayo sa gubat, may naghihintay sa inyo roon'', sigaw nito.

                                     Sa una'y natulala ako sa angkin nitong ganda habang nag-iisip kung ano ang gagawin sa kabila ng nangyari. Ngunit dumiritso parin kami sa gubat at may nakita kaming gintong chariot na may dalawang pegasus. Hindi kami makapaniwala sa nakita namin, nang may bigalng sumigaw na lalaki mula dito. ''Bilisan niyo ang inyong kilos, sumakay na kayo rito'',

                                           Sumakay kami agad dito at dali-dali nila itong pinalipad. Nakikita ko pa ang ibaba namin at para ba akong nagmamalikmata, kasi may isang napakalaking halimaw sa baba na para bang gutom na gutom at kami ang napiling kainin.

                                      ''Nick , suntokin mo nga ako'', sabi ko .

                                      ''Loko, nakikita ko rin ang nakikita mo'', sagot n'ya.   

The Olympian's Demigod : The AssembleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon