Chapter VII
Dahan-dahan ng bumababa ang araw, lumalamig na rin ang simoy ng hangin. Sa oras na ito'y natutulog pa rin si Nick.
''Malapit na tayo,'' wika ni Jane habang tumitingin sa'kin. ''Gisingin mo na si Nick upang makapaghanda na tayo, 'di natin alam kung ano ang sasalubong sa'tin doon.''
Ginising ko si Nick gaya nga ng utos ni Jane sa'kin.
''Nick, Nick ! '' sambit ko sa kanaya sabay hila sa kamay nito.
''Oh, bakit?'' sagot n'ya habang hinihimas ang mukha.
''Kailangan na nating maghanda, malapit natayo sa pupuntahan,'' wika ko.
Dali-dali nitong kinuha ang kanyang espada at inihanda ang kanyang sarili. Ako nama'y isinuot ko na ng maigi ang bag at palaso habang hinahawakang mabuti ang pana.
"Nandito na tayo,''sigaw ni Daniel. ''Ibababa ko na ito.''
Tumingin-tingin sa paligid si Jane na parang tinitingnan kung mayroong tao. Sumabay nalang ako rito kaya tumingin rin ako sa kapaligiran. Mayelo ang lugar ngunit 'di ako nilalamig. Pababa na kami ng may biglang tumria sa'min ng palaso.
''Putik, natamaan ng palaso ang pegasus!'' sigaw ni Daniel.
''Babagsak tayo,'' sigaw ni Jane.
Mataas-taas pa rin ang aming kababagsakan, mga tatlong pong metro pa.
''Ihanda n'yo ang sarili n'yo,masakit-sakit 'to," sigaw ni Jane.
Malakas ang pagbagsak namin, bigla akong nahilo at nanghina sa pangyayaring iyon. Sumakit ang aking balikat sa pagbagsak.
''Jane?'' sigaw na patanong ni Daniel haban hinahawakan ang binti n'ya. ''Jane,gumising ka.''
''Ahh, ang heta ko, naipit ang heta ko,'' hiyaw ni Jane dahil sa sakit.
Sinira ni Daniel ang bakal na umipit sa binti ni Jane. Sinuntok n'ya ito upang magiba,napakalakas talaga ng kamao n'ya , siya ang tipong tao na hindi mo gugustohing makalaban. Tiningnan ko si Nick upang malaman ang kalagayan nito. Nakahiga ito malapit sa'kin may dugo ang noo at walang malay.
''Nick, Nick?'' nag-aalalang sambit ko. ''Si Nick, nahimatay.''
''Bigyan mo ng ambrosia si Jane,'' utos ni Daniel habang inaalalayan palabas si Jane.