Chapter III
Nagising nalang ako, hindi ko alam kung anong oras na. Biglakong napansin na ako nalang pala mag-isa dito sa loob. May kunting kirot pa rin sa'king ulo, hinimas ko ito upang maibsan. Dahan-dahan akong tumayo at lumabas sa silid.
Paglabas ko ay wala akong nakitang tao. Patuloy pa rin ako sa paglalakad, iniisip ko na baka kumakain na sila. Pinuntahan ko sila sa hapagkainan ngunit wala pa ring tao roon. Sumakit na naman ang ulo ko, hindi ko alam kung bakit.
''Jake, Jake ?'' sigaw ng isang babae.
Tumingin ako sa taong tumatawag sa'kin, at nakita ko si Lyn.
''Okay lang ako.'' sagot ko na pinipilit bawiin ang lakas upang makatayo. ''Nasaan ba ang mga tao rito? ''.
''Nandoon sila, nagpatawag kasi si Mike ng isang pagtitipon.''
''bakit wala ka doon?'' tanong ko.
''Nakakainip kasi ang silid na'yon.''
''Sige, pupuntahan ko na sila, salamt nga pala.'' pagpapaalam ko.
''Mag-ingat ka ha.'' sagot nito. ''Dito lang muna ako.''
Pinuntahan ko ang tinuro ni Lyn na silid, hindi ito gaanong kalayo sa kinatatayuan ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, at pumasok sa loob ngunit nakuha ko pa rin ang kanilang attensyon. Tumingin sila sa'kin.
''Jake, kumusta ang pakiramdam mo?'' sigaw ni Nick habang papunta sa'kin.
''Okay lang ako.'' wari ko.
''Mabuti pang aakayin nalang kita patungo sa upuan mo.'' sambit ni Nick habang akay-akay ako.
Maganda ang silid, napakaaliwalas nito, napakalaki ng espasyo at gawa pa sa marmol ang sahig. Sa gitna ng silid ay may isang mesa na may labindalawang silya. Napakaganda ng mga silya, may iba't ibang disenyo ito. May tig-lilimang upuan sa dalawang gilid ng mesa at sa dalawang dulo nama'y mayroong tig-iisang upuan. At sa isang dulo nito'y nakaupo si Mike. Nakupo rin sa gilid ng mesa sina Jane, Daniel, Isabel, Steven at may iba pang 'di ko pa kilala.
''Magandang umaga Jake'' bati ni Mike sa'kin. ''Pwede kanag umupo sa'yong silya.''
''Salamat.'' sagot ko . ''Bakit tayo nasa gitna? Bakit ang iba ay nasa gilid lang ng silid nakaupo?''
Biglang tumawa si Daniel at ang iba pang nakaupo sa gitna.
''Tumigil na kayo''. sigaw ni Mike. ''Bakit? masama bang magtanong? ''