Chapter IX
Nagsimula na kaming maglakad upang maghanap ng kuwebang puwedeng matulugan. Hindi ako mapakali at tumingin rin ako sa paligid katulad nila Daniel at Jane, upang masiguro na walang sumusunod sa'min.
''Jake ,'' sambit ni Nick.
''Oh, Bakit? '' sagot ko.
''Giniginaw na talaga ako.''
''Kunting tiis nalang.''
Tumingin ako sa paligid, may matataas na bahagi ng bundok, napakalaki nito at punong-puno ng yelo. May mga kahoy rin ditong patay na dahil sa lamig.
''Ayon ! '' wika ni Daniel.
''Ang alin?'' tanong ni Jane.
''May kuweba ,'' sagot nito habang tumuturo.
Mabilis kaming tumakbo papunta sa kuweba. Malaki ang espasyo nito, kasing laki ng isang Basketball Court kung walang matutulis na bato. Pumasok kami sapinakaloob nito upang mainitan sila.
''Tamang-tama ito para paglipasan ng gabi,'' wika ko habang nakaupo sa isang sulok ng kuweba at habang umiilaw ang aking mga kamay.
--SA IPAGPAPATULOY---
Magsusulat pa po :))