Walang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga.
Chriden PoV
"Yan din ang palagi kong hinihiling Francisco... Yung maging masaya nalang tayo..." Mahinahon kong sagot sa kanya habang pilit kong pinipigilan ang pagpatak ng nag-aadyang mga luha sa magkabilang mata ko.
Flashback 1.5
"Zack?" Gulat kong tawag sa kanya nung nakita ko siyang nakaupo sa upuan at katabi si Tito Junior.
"What a small world Den..." Ngiting sagot niya sakin.
"Magkakilala na pala kayo anak?" Patanong ni Mama sakin.
"Ah.. Aksidente po kasi kaming nagkakilala kanina sa school" pagpapaliwanag ni Zack kay Mama.
"Oh siya Den halika na at sumabay ka ng maghapunan samin" alok ulit ni Mama.
"Ayy Ma.. Kumain na po kami ni Francisco. Lalabas nalang po ako ng kwarto pagkatapos kong magbihis" nakangiti kong sagot kay Mama at mabilis na akong nagpunta paakyat sa kwarto ko.
Hinubad ko ang suot kong uniform at kaagad akong nagpalit. Kaya suot ko na ngayon ang yellow superman shirt ko na binabagayan ng jersey short ni Francisco nung sumali sila sa liga ng basketball. Syempre number 11 un.
Matapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto. Nakatutok ang dalawang mata ko sa nilalaro kong apps sa cellphone ko.
"Kaya ka muntikan na masaktan kase nakatuon ang atensyon sa iisang bagay - dapat tingnan mo yung nasa paligid mo"
Bigla akong napatunghay nung narinig ko iyon mula sa gilid ko.
"Lakas mo makahugot ah!" Asar ko sa kanya.
"Nagsasabi lang ako ng totoo! Tara upo muna tayo dun" sabay turo niya sa terrace namin.
Bahagya akong naglakad pababa at dumiretso sa terrace namin.
"Masyado palang mahigpit ang boyfriend mo sayo" pang-aasar sakin ni Zack dahilan para mabasag ang katahimikan saming dalawa.
"Ganoon lang talaga yun" nakangiti kong sagot sa kanya.
Nagsimula na siyang magkwento sakin. Nalaman kong pamangkin pala siya ni Tito Junior at personal secretary/driver ni Tito Junior.
"Akala ko talaga nung una anak ka ni Tito Junior" sabi ko sa kanya.
"Walang anak si Tito Junior pero may anak sa iba ang napangasawa niya, si Tita Charlotte. Yung asawa ni Tito Junior" -Zack.
"Mabait nga yung anak nila eh. Saka ang alam ko may kinasama na yun dati sa Canada" pagpapatuloy niya.
"Hala! Huwag nga natin pag-usapan ang buhay nila. Mamaya masabihan pa tayong usisero!" Suway ko sa kanya dahilan para mapatawa siya.
Nagpatuloy kami ng kwentuhan. Kahit nga ako napakwento narin sa kanya. Nasabi ko yung tungkol samin ni Francisco at nakwento ko rin ang mga estudyante ko.
"Nga pala Zack, gusto sana akong itanong sayo..." Pag-iiba ko ng usapan.
"Ano yun?" Takang tanong niya.
"Pero pwede satin lang dalawa to? Medyo private kasi eh..." Nahihiyang pakiusap ko sa kanya.
"Okay sige. Makakaasa ka" sagot niya.
"Tatapatin na kita Zack... Ayoko naman kasi magpaligoy ligoy pa... Yung tinutukoy ni Tito Junior na company na malapit na niyang makuha ay kina Francisco. Sa boyfriend ko" bahagya kong pinutol ang sinasabi ko at huminga muna ako ng malalim.
"Sabi mo kanina ikaw ang personal secretary ni Tito Junior, kasamaan man ng ugali ang isipin mo sakin dahil sa itatanong ko - ano kaya ang pwede pang gawin para hindi mawala o mapunta sa kamay ni Tito ang Gabriel and Cruz Corp?" Mahabang paliwanag at tanong ko sa kanya.
Wala akong nakitang gulat o pagtataka man lang sa mukha ni Zack. Kalmado parin siya.
"Alam ko na itatanong mo sakin yan Den... Una alam ko na pagmamay-ari ng pamilya ng boyfriend mo ang company na tinutukoy ni Tito... Hindi pa siguro ito ang pagkakataon para ipaliwanag ko sayo kung bakit ko nalaman. Pangalawa, alam ko rin naman na kapakanan lang ng boyfriend mo ang iniisip mo kaya mo nasasabi yan, pero sa tingin ko wala na tayong magagawa don. Matagal na kasing gustong makuha ni Tito ang company na iyon" mahabang paliwanag ni Zack habang nakadako ang tingin sakin.
"Saka - kahit naman mawala ang company nila, sigurado naman akong magiging maayos kayong dalawa. Hindi naman dun nakasalalay ang relasyon niyo diba?" Ngiting pagpanatag niya sakin.
"Samin wala... Pero syempre iniisip ko parin yung pamilya niya.." Mahinang sagot ko.
"Its not your problem Den... Hayaan natin sila ang gumawa ng hakbang o solusyon... Sigurado ako kapag nalaman ng boyfriend mo yan na nag-iisip at nag-aalala ka sa kanya for sure magagalit yun sayo o di kaya lalo lang malulungkot yun" nakangiti paring sabi niya.
"Zack halika na at baka gabihin pa tayo sa pag-uwe" narinig ko galing kay Tito Junior.
"Oh pano Den? Alis na kami.. Here's my number" sabay abot niya sakin ng isang maliit na card.
"Kapag hindi ka busy. Text or call mo ako. Sige na. Bye" ngiting paalam niya at kaagad na siyang nagpunta kina Tito Junior at Mama.
Hindi ko tuloy maiwasan mag-isip. Ewan ko ba. Parang may mali o parang may kakaiba.
Matapos yun ay bumalik na ako sa kwarto ko. Naupo ako sa beranda habang nakasalpak lang sa magkabila kong tainga ang earphone ko.
Alam ko na kung ano ang gagawin ko. Susubukan kong kausapin si Jerome. Magkakaibigan naman sila at alam ko na may maitutulong si Jerome na malaki dito.
Hinanap ko ang cellphone number ni Jerome sa fonelist ko at mabilis ko siyang tinawagan.
End of Flashback
Author: short update po muna.
Penge pong comments and votes. Maraming salamat po.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book III
RomanceEto na po ang ikatlong libro ng AMKB :) Maraming salamat po sa suporta! BubeiYebeb