Katatapos lang ng meeting Paul...

3.4K 136 11
                                    


Paul Francisco PoV

"Anong nakakapagod Den!?" Medyo napalakas na ang boses ko dahil sa inis na nararamdaman ko sa ikinikilos ni Den.

"Napapagod na ako Francisco sa lahat ng nangyayari satin.. Pagod na akong harapin ang bawat pagsubok na dumadating sating dalawa..." Pagpapatuloy niya sa kanyang sinasabi.

"Hindi kita maintindihan Den! Palagi ka nalang ganyan! Ako nga kahit nahihirapan - kinakaya ko parin kase mahal kita!" Malakas na sagot ko sa kanya.

Flashback 2.5

Mabilis akong nag-out sa trabaho nung nalaman kong kasama ni Den si Jaime sa Starcity. Kung alam ko lang sana na si Jaime ang kasama niya ay hindi ko na sana siya pinayagan.

Nahagip agad ng dalawang mata ko ang taong hinahanap ko. Nilapitan ko siya.

"Paul?" Bigla akong natigilan nung marinig ko ang pinakapamilyar na boses ng babaeng nakilala ko.

Dahan dahan kong tinuon ang mukha ko sa pinanggalingan ng boses.

"Cass..." Mahinang reaksyon ko nung nakumpirma kong siya nga ang babaeng tumawag sakin.

Tangina!
Ano itong bigla kong naramdaman?
Bakit bigla bigla nalang nagpipicture sa isipan ko ang mga scenario naming dalawa.

(FB)Si Cassandra ang kauna-unahan kong naging kasintahan. Halos magkasama kami araw araw - yung tipong bihira kami maghiwalay. Mahal na mahal ko siya - at alam kong ganun din siya sakin.

Sinusundo ko siya tuwing umaga at hinahatid sa pag-uwe. Sabay kaming nagla-lunch at sabay din kami magdinner. Magkasama rin kami tuwing sabado at linggo.

Hanggang sa dumating yung panahong na kinausap ko ang pamilya ni Cassandra. Napagpasyahan ko na kasi na magsama na kami sa iisang bahay at bumuo na ng pamilya. Walang problema kina mama at daddy. Sang-ayon sila sa gusto kong mangyari dahil saksi rin sila sa pagmamahalan namin ni Cassandra.

Napakasaya ko nung narinig kong pumayag ang mga magulang ni Cassandra. Pagkatapos na pagkatapos nun ay pinag-usapan na agad namin ang tungkol sa kasalan na magaganap.

Ang saya saya ko nun. Sobra.
Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na makaramdam ako ng kakaibang saya sa kalooban ko. Gusto ko nga pagkatapos ng usapan ay kinabukasan ay ikasal na agad kami para maiuwe ko na si Cassandra. Ganoon ko siya kamahal.

Tatlong buwan ang naging preparasyon sa kasal naming dalawa. Ang tagal nga eh.
Pakiramdam ko ba eh napakabagal umandar ng orasan. Ganoon pala ang pakiramdam ng sobrang excited ka sa isang bagay na gusto mong mangyari.

Hanggang sa dumating na iyong pinakahihintay kong araw. Ang araw ng kasal naming dalawa ni Cassandra.

Napakaaga kong nagising - o sabihin ko na hindi na talaga ako nakatulog at nakatitig lang ako sa wedding suit na nasa harapan ko.

Ilang oras lang ay nasa simbahan na kami. Katulad ng nakagawian at lalake ang mag-aantay sa pagdating ng babae sa simbahan sakay ng isang kotse na may bulaklak sa unahan.

Excited na excited na ako.
Kumpleto kami.
Si Ate Taniya, Paolo, Luis, Justin, si Mama at si Daddy kasama si Lolo.

Isang oras na ang lumilipas pero wala parin ang babaeng inaantay ko.

Pinatawagan ko kay Jerome si Cassandra. Hindi ko kasi dinala ang cellphone ko dahil ayoko maistorbo ang pinakaimportanteng seremonta sa buhay ko.

Dalawang oras na ang lumipas pero wala parin nasagot sa tawag ni Jerome.

Sinabi sakin ni Ate na sigurado daw na natagalan sa pagme-make up si Cassandra dahil ganoon naman daw talaga ang mga babae. Sensitive pagdating sa make up at isa pa importante ang araw na ito para sa isang babae.

Tatlo, apat hanggang sa limang oras na ang lumipas ay wala parin si Cassandra.

Hanggang sa lumapit sakin si Mama.
May ibinulong siya sakin na naging dahilan ng bigla kong pagkagulat na nagbigay sakin ng sobrang kirot sa dibdib.

Tumakbo ako ng mabilis papunta sa sasakyan ni Jerome. Iyon lang kasi ang sasakyan na nakita ko at meron akong duplicate na susi.

Mabilis ko itong pinaandar hanggang sa makarating ako sa isang lugar kung saan ako lang mag-isa. Naupo ako sa unahan ng sasakyan ni Jerome at naramdaman ko nalang na nagdadaloy na ang mga luha ko sa magkabilang pisngi ko. (EoFL)

Tahimik lang ako hanggang sa maihatid ko si Den sa bahay nila. Ramdam ko sa sarili ko ang pagkabalisa at hindi ako mapakali.

Pati nga ngayon dito sa trabaho ko di parin ako makapagconcentrate dahil paulit ulit nanaman bumabalik sa isipan ko si Cassandra.

Napapitlag nalang ako nung biglang tumunog ang cellphone ko.

"Oh Paolo?" Mabilis kong sagot.

"Katatapos lang ng meeting Paul.. Kailangan natin makagawa ng paraan para hindi mawala satin ang company nila Daddy..." Diretsong sagot niya sakin.

"Ano pa bang paraan pa gagawin natin Paolo? Halos lahat na yata ng paraan naisip at nagawa na natin pero useless..." Mahinahon kong sabi sa kakambal ko.

"...susubukan kong kausapin si Leonard. Alam ko kahit papaano makakatulong satin yon" sagot ng kapatid ko.

"Sige.. Pati si Ate tawagan mo narin. Kailangan natin maayos ang problema. Mahalaga kay Daddy ang company. Sana wag agad malaman ni Lolo, sigurado ako magagalit si Lolo at baka kung ano pa mangyari sa kanya" mahabang sagot ko sa kanya.

Mabilis kong tinapos ang pag-uusap namin ng kapatid ko nung nakita kong sumilip sa pintuan ko ang secretary ko.

"Sir may naghahanap po sanyo... Papasukin ko po?" Magalang na sabi niya.

"Sino daw?" - Ako

"Cassandra daw po"

End of Flaschback

Author: Maraming salamat po!
Thankyou din po sa comments and votes.

BubeiYebeb

Ang Manliligaw Kong Bully Book IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon