Jerome Kier PoVDinampot ko ang cellphone ko muna sa mini table ng kwarto ko at mabilis kong ni-tap ang pangalan ni Den.
"Pasensya na hindi ako nakatawag kanina. Medyo masama ang pakiramdam ko eh" bungad niya sakin.
"Okay lang. Gusto mo magpahinga ka muna. Ayos lang naman kung hindi ka makakapunta sa farewell party" sabi ko sa kanya. Baka kasi magkaroon pa siya ng trangkaso. Baka hindi pa kami payagan na mag-flight sa isang araw.
"Sunod nalang ako. Nakakahiya naman kung hindi ako makakapunta" malamlam na sagot niya.
"Sunduin kita?" Tanong ko sa kanya.
"Huwag na.. baka magdatingan na tropa diyan. Kayang kaya ko na. Binebeybi mo naman ako masyado eh" sagot niya sakin.
Kahit na anong pilit ko ay hindi takaga siya nagpasundo. Ayos lang yun. Makakasama ko nanaman siya araw araw kapag nasa Canada na kami. Wala na kasing naging problema sa immigration. Ayos na. Nakapagpabook na rin ako para sa flight namin sa isang araw.
Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang nung napagplanuhan namin ito. Ako lang pala. Ito lang kasi ang paraan para makabawi ako kay Den. Saka para rin ito sa kanya - para sa amin.
Iba yung sayang nararamdaman ko. Napakasaya ko.
"Oh pre mukhang nagsosolo ka muna ah!" Biglang bati sakin ni Brille. Inabutan ko siya ng vodka.
"Di naman. In-enjoy ko lang. Pagdating kasi sa Canada tutok na uli ako sa trabaho" ngiting sagot ko.
"Baka tutok ka Den!" Kasunod nun ay ang pagtawa niya.
Naalala ko tuloy bigla yung tanong nila sakin dati na bakit nga ba si Den?
Ewan ko ba kung bakit siya. Yung pakiramdam na ang dami kong dahilan kung bakit siya pero kapag gusto ko ng ipaliwanag kung bakit ay wala na akong masabi. Ang gulo noh? Pero masaya. Napakasaya.
"So seryoso ka na nga..." biglang seryosong sabi niya.
"Jerome hindi mo ba naisip kung ano yung nararamdaman ni Paul?" -Brille.
Hindi na ako nagulat sa tanong niya. Inaasahan ko na talaga yun simula palang. Alam ko naman kasi ang mga takbo ng isipan ng mga kaibigan ko. Kilala ko sila.
"Alam mo tol naisip ko na rin dati yan.. naitanong ko na rin sa sarili ko yan.." sabi ko sabay lagok sa hawak kong vodka.
"Lahat kayo masyadong nakatuon ang atensyon kay Paul.. ako ba minsan pre natanong niyo kung ano ang nararamdaman ko?" Seryosong sagot na patanon ko sa kanya.
Wala akong narinig kay Brille.
"Pero sa ngayon.. gagawin ko ang alam kong tama para kay Den. Wala naman akong ibang inisip kundi ang kabutihan para kay Den.. kung kami talaga ni Den - kami. Kung hindi - atleast sinubukan diba?" Nakangiti kong sabi ulit sa kanya.
"Galing mo talaga Jerome. Hanga na ako sayo. Sana'y maging masaya kayo ni Den" ngiting sagot niya sakin.
Hindi rin nagtagal ay nagdatingan na ang mga kaibigan namin. Konting bonding lang naman at konting inuman, kwentuhan. Dapat masulit na namin ni Den ang gabing ito dahil matagal tagal din kaming hindi makakauwe dito. Sigurado kasing magkakatrabaho si Den don at ako naman sa company namin.
"Anong oras ang flight niyo?" Tanong ni Kerby at katabi si Sheryl.
"2:40pm. Pero maaga kaming pupunta sa Airport. Dun na kami magla-lunch" sagot ko.
"Hoy Jerome! Ingatan mo si Den don ha! Lagot ka sakin kapag yan tumawag sakin at umiiyak!" Banta sakin ni Sheryl.
"Sa ibang paraan paiiyakin ni Jerome yung si Den!" Singit naman ni Brille at tumawa ng tumawa.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book III
RomanceEto na po ang ikatlong libro ng AMKB :) Maraming salamat po sa suporta! BubeiYebeb