Chriden PoVFlashback 3.9
Mabilis na akong sumakay pauwe matapos kong makalabas sa company nila Francisco. Ang totoong plano ko sana ay mag-stay sa office niya. Nagpaalam kase ako sa school na hindi ako papasok ngayong hapon dahil may importante akong pupuntahan. Importante naman talaga. Importante sakin si Francisco eh.
Dumiretso na agad ako sa kwarto ko. Nahiga at tumulala sa kisame.
Syempre naman. Kahit naman huminde ako sa sinasabi niya na kasama niya si Cassandra ay hindi rin pwede. Alam ko ang dahilan ng Daddy niya. Para iyon sa company nila.
Ang kinaiinis ko lang ay alam naman siguro ni Francisco na ayoko. Tapos ang tanong niya pa sakin kanina ay kung sure ako. Ang tinde! Sino ba naman ang matutuwa na may kasamang iba ang boyfriend mo? Sa lahat nalang ata ng scenario dito samin ay ako palagi ang nagseselos! Ako nalang parati! Hindi ba siya makagawa ng paraan para hindi niya makasama si Cassandra?
Nakakainis!
Napatigil ako sa pag-iisip ko nung bigla nalang akong ginambala ng cellphone ko. Panira nga ng moment eh! Alam kong si Francisco itong natawag dahil wala namang tatawag sakin ng ganitong oras.
Mabilis kong ini-slide ang answer key.
"Promise I'm okay. Kaya huwag mo na ako isipin. Puntahan mo na si Cassandra baka kanina pa nag-aantay yon!" Pabalang kong sabi sa kanya.
Napuno na kasi ako. Pakiramdam ko kasi ay akala niya porket sinabi kong okay ako - ay okay lang ako. Hindi naman siguro manhid itong abnormal na to para hindi niya mahalata sakin na hindi okay sakin.
(Puro Okay ang sinabi ko. "Okay" ang gagawin kong title nito)
"Hey hey! What's the problem?" Biglang sagot ng kausap ko sa phone.
Ayy shit! Bakit hindi si Francisco ang tumawag?
"Mukhang beast mode ka ata SIR" pagdidiin niya.
"Oh napatawag ka Mr. Eriol Tan?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Kanina pa kasi ako nag-iisip kung yayayain ba kita o hindi. May party kasi sa bahay eh" dire-diretsong sabi niya.
"Kaso - alam ko naman na hindi ka pwede kasi hindi ka papayagan ng boyf-"
"What time? I'll go" mabilis kong putol sa sinasabi niya.
Hindi ko alam pero bigla nalang pumasok sa isipan ko na siguradong nandun si Francisco. Selfish man sabihin pero gusto ko rin maramdaman niya yung nararamdaman kong pagseselos.
"Really? Sure ka?" Mabilis niyang tanong.
"Mukhang ayaw mo yata akong isama eh. Sige wag nalang" -Ako
"No..no.. On the way na ako. Tell me your place"
Binigay ko ang address ng bahay namin. Kasamaan na ng ugali ang isipin sakin pero gusto ko talagang gawin ito.
Bahala na.
Wala pang isang oras ng dating si Axel dito sa bahay namin. Pinaupo ko siya at binigyan ko muna siya ng maiinom.
"Birthday nga pala ni Daddy.." sabi niya habang nakaupo at nakatingin sakin.
"Pasensya na nga pala sa nasabi ko kanina habang magka-"
"Ooops! Hindi ka na pwedeng umurong ha.." putol niya sa sinasabi ko.
"Don't worry. Akong bahala sayo dun. Sagot kita" mayabang niyang sabi saken.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book III
RomanceEto na po ang ikatlong libro ng AMKB :) Maraming salamat po sa suporta! BubeiYebeb