Hey! Sorry were late.

3.3K 137 16
                                    



Jerome Kier PoV

"Jerome sigurado ka ba sa ginagawa mo?" Tanong sakin ni Allen habang nandito kami sa Terminal 3.

Matapos kong marinig iyong tanong na iyon mula kay Allen ay kinuwento ko sa kanya lahat. Lahat lahat pati yung ginawa ni Den para kay Paul. Wala akong ni isang nilaktawan sa mga sinabi sakin ni Den. Nagulat nga siya sa lahat ng nalaman niya mula sakin.

"Kaya pala bumalik si Cassandra dahil gusto niyang maisalba nila Paul ang company? Ganun ba?" Paglilinaw ni Allen.

Tumango lang ako sa kanya.

Alam kong mali ito pero kailangan ako ni Den.

Ilang sandali lang ay nagarrived na ang sinasakyang eroplano nila Paul. Nakaabang na kami dito sa exit area para masalubong namin sila.

"Mamaya ka nga magtext ng magtext Kerby!" Puna ni Brille. Kanina pa kasi pindot ng pindot tong si Kerby sa cellphone niya kaya di makausap ng maayos.

"Oh ayun na si Luis oh" sabay turo ni Allen.

Kumaway si Brille at kaagad naman nila kaming nakita.

Nagbatian kami nila Luis at ng mama at daddy nila.

"Teka asan si Paul?" Takang tanong ni Allen nung napansin niyang hindi nila kasabay si Paul.

Aktong sasagot si Luis nung may nagsalita sa gilid ng exit area.

"Hey! Musta na?" Plain emotion na sabi ni Paul.

"Pre!! Musta! Parang walang nangyari ah!" Masayang lapit ni Kerby sa kanya.

"Parang nagdahilan ka lang para magbakasyon sa Canada ah" -Allen

"Oh Jerome bakit hindi mo sinama si Den?" Diretsong tanong ni Paul.

Sabay sabay napatingin sakin ang tropa. Lahat sila napatahimik.

"Maraming ginagawa sa school. Di bale pasunu-"

"Lets go. Namiss ko ang pagkain dito" biglang putol ni Paul sa dapat na sasabihin ko.

Parang may kakaiba kay Paul.
Ako lang ba nakakapansin? O naninibago lang ako sa kanya?

Nagsimula na kaming maglakad palabas ng airport at sumakay sa kanya kanya naming sasakyan. Napadako ang atensyon ko sa cellphone ko nung biglang itong tumunog.

Pre anong nangyayari ke Paul?
-Kerby

Mga tol may naapektuhan ba pag-iisip ni Paul? -Brille

Hindi lang pala ako ang nakakapansin sa kinikilos ni Paul. Gustong gusto kong magtanong kay Luis pero wag muna siguro ngayon.

Guys seafood Resto tyo. -Paolo.

Tumigil kami sa isang seafood resto dito sa Bacoor. Matapos naming i-park ang sasakyan namin ay dumiretso na kami sa loob ng resto at naupo. Nilapitan kami ng isang waiter at kinuha ang mga order namin.

"Set C and then pa-add ng dalawang bowl ng rice" sabi ni Paolo.

"Ayy gusto ko to! Bigyan mo ako ng apat na ganyan. Yung malalaki ha!" Makulit na sabi naman ni Kerby sa waiter tukoy sa alimasag.

"Ito sakin" turo naman ni Paul sa pusit at halaan. Teka diba paborito ni Paul ang alimasag? Bakit hindi siya umorder nun?

Hindi nagtagal ay inilapag na ng waiter ang mga inorder naming pagkain. Ang dami pala nung Set C na inorder ni Paolo.

"Wooooow! Ang lake neto! Teka teka. Pipicturan ko muna. Popost ko sa IG ko" masayang sabi ni Kerby at hinugot sa bulsa niya ang cellphone niya.

"Isip bata ka talaga Kerby!" Puna ni Paolo.

Ang Manliligaw Kong Bully Book IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon