Back for Good.
Jerome Kier PoV
Nung narinig ko ang pangalan ko sa mga sinabi ni Allen na sasama sa pagbalik dun kina manong ay napatitig ako kay Allen. Kilala ko ang mga kaibigan ko. Kilala ko ang takbo ng isip ng bawat isa sa kanila. Kaya alam ko kung ano ang pinaplano ni Allen.
Narinig kong gusto ni Paul na sumama pero pinigilan parin ni Allen. Takte. Di ko gusto ang pinaplano ni Allen ah.
"Manong bilisan natin ang pagpunta don para makabalik tayo agad dito" narinig kong sabi ni Brille.
Bahagyang inalalayan ni Allen si Cathy sa pagsakay sa bangka dahilan para mapalapit siya samin.
"Allen know your limits. Alam ko pinaplano mo" seryosong sabi ko kay Allen dahilan para mapalingon samin si Kerby.
"May problema ba sanyo?" Sita samin ni Kerby.
Hindi na ako nagsalita at kaagad na akong naupo sa bangka.
"Manong bilisan natin" matigas kong sabi sa nagbabangka.
Nagsimula ng umandar ang bangka at kapwa lahat kami tahimik. Naramdaman yata nila Kerby na hindi maganda ang mood ko.
Mahigit isang oras ang lumipas nung makarating na kami dito sa rentahan ng bangka. Hindi nga ako nagkamali. Dito naiwan ang gamit namin ni Den. Nandito rin ang gamit ni Cathy.
"Pre punta lang kami sa bayan para bumili ng pagkain natin. Babalik kami agad" paalam ni Brille.
"Sir bilisan po ninyo. Medyo sumasama na po ang panahon, medyo lumalakas na po ang hangin. Kapag po kasi lumakas ang hangin ng sobra ay hindi po tayo pwede mamangka pabalik sa isla" mahabang sabi nung lalaking nagbalik samin dito.
"May bagyo po kasi" sabi naman nung may-ari ng bangka.
"Opo. Bibilisan po namin" mabilis na sagot ni Kerby at mabilis na silang umalis.
Naiwan kaming dalawa ni Cathy dito. Pareho kaming nakaupo at hindi kami nag-uusap. Nakakahalata na siguro siya sa sitwasyon na nangyayari kanina sa isla. Hindi kasi kami gaano nag-uusap ni Paul at hindi niya kinikibo si Den.
Hindi ako mapakali. Hindi maalis sa isipan ko ang bagay na tinatakbo ng utak ni Allen. Kung pwede nga lang bumalik ako don mag-isa ay ginawa ko na. Pero kailangan antayin ko sila Kerby.
Kalahating oras na ang lumipas pero wala parin sila Kerby. Medyo lumalakas na ang hangin at pati ang alon ay nakikisabay narin sa hangin.
Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko at ni-tap ko ang pangalan ni Kerby.
"Nasaan na kayo! Napakatagal niyo!" Pabalang na tanong ko sa kanya nung sinagot niya ang tawag ko.
"Pabalik na kami. Ang layo ng bayan kaya medyo napatagal kami" sagot niya.
"Ang lakas ng ulan dito" dugtong niya.
"Bilisan niyo para makabalik na tayo" huling sinabi ko bago ko tuluyan i-end ang tawag ko.
Nagsisimula ng umulan dito. Mahina pero nararamdaman kong papalakas ito dahil sa tunog ng patak sa bubungan. Malakas narin ang hangin at napapabilis narin ang paghampas ng alon sa pangpang.
"Pasensya na pre.. ang lakas ng ulan kaya tumigil muna ang sinasakyan naming tricycle" sabi ni Kerby na halos maligo na sa sobrang pagkabasa.
"Bilisan niyo. Tara na! Baka lalo pang lumakas ang ulan!" Malakas na sigaw ko sa kanila.
Aktong tatayo na kami ni Cathy nung bigla kaming pinigilan ni manong.
"Hayaan po muna natin humina ang hangin at tumila ang ulan. Delikado po ang mamangka ng ganito ang panahon" sabi ni manong.
"Pwede po yan. Mahigit isang oras lang naman ang pagpunta don. Tara na Kerby!" Pagpupumilit ko.
Kailangan ko na kasing makabalik agad don. Ayokong nag-iisip ako ng sobra. Kung anu-ano kasi ang pumapasok sa isipan ko tungkol kay Den at sa kanilang dalawa ni Paul. Ayoko na kasing sayangin ang pagkakataon. Ayoko ng masaktan pa si Den kay Paul. Kaya hindi ko siya pwedeng hayaan nalang na bumalik sa kanya.
"Jerome tama si manong. Antayin muna natin tumigil ang ulan" pagsang-ayon ni Brille.
Hindi na ako nagsalita. Naupo ulit ako ganun din sila Kerby.
Tangina hindi talaga ako mapakali.
Yung yung pakiramdam na pati pag-ulan at paghangin ay sinisisi ko sa nangyayari ngayon.4:40pm
Hind parin natigil ang ulan.
Bahala na!
"Oh Jerome san ka pupunta!!?" Malakas na sigaw na narinig ko kay Kerby.
"Jerome!!!!" Sigaw naman ni Brille.
Hindi na ako lumingon. Tumakbo ako papunta sa pinagdaungan ng bangka at sumakay agad don. Isang diretso lang naman ang ruta kaya alam ko.
"Sir!! Delikado po!! Bumalik po kayo dito!" Narinig kong sigaw ni manong.
"Jerome ano ba!!! Ano bang problema mo!!!" Muling sigaw ni Kerby na halatang nag-aalala ang boses.
Hindi ko na iyon inintindi.
Nagsimula na akong managwan.Ang lakas ng hangin.
Ang lakad ng ulan.
Halos hindi ko na makita ang dinadaanan ko pero alam kong diretso parin ang tinatahak ko.
Totoo pala yung mga napapanuod ko sa movie na halos pumantay na ang tubig sa bangka kapag malakas ang ulan at mataas ang alon. Pero hindi na sumasagi sa isipan ko ngayon ang matakot. Ang tanging nasa isipan ko ay ang makasama na muli si Den at malalaman ang ginawa ni Allen.Hindi ko iniinda ang sakit na dulot ng ulan sa bawat paglapat sa katawan ko at ang bawat hampas ng alon sa bangkang sinasakyan ko. Patuloy ako sa pagsagwan.
Hindi ko na dapat palampasin pa ang pagkakataon na ito. Kung dati nagparaya ako ngayon hindi na. Kaya ko ng ipagpalit lahat para lang sa taong mahal ko. Si Den.
Author: Short second update for this day. Sensya po. Short lang. nag-iinom po kasi kami ni Mike :)
Tara! Shot!
Pengeng Comments and Votes. :)
BubeiYebeb
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book III
RomanceEto na po ang ikatlong libro ng AMKB :) Maraming salamat po sa suporta! BubeiYebeb