S.O nga po pala kay Zyrus Mendoza - maraming salamat po. :) Nambola ka pa kagabi - :) Sa phone lang po maganda boses ko. Hahaha!
Flashback 2.3
"Okay ka lang?" Tanong sakin ni Francisco habang tinatahak namin ang daan pauwe.
Sinundo niya ako sa school kanina at kumain kami ng dinner sa Pilitas Restaurant.
"Okay lang... Sige uwe na ako" mahinahon kong sagot sa kanya nung nasa tapat na kami ng eskinita namin.
"May dapat ba tayong pag-usapan Den?" Diretsong tanong niya sakin.
Simula kasi kanina ay hindi ako gaanong magsasalita. Ewan ko - pero wala akong gana. Hindi ko rin malaman sa sarili kung may katapatan ba akong mag-inarte ng ganito. Palagi kasing napasok sa isip ko si Cassandra at ang pagsisimula nanamang magsinungaling ni Francisco sakin.
Ayoko naman pag-usapan kasi ayokong mag-away kami ni Francisco. Baka sabihin nagsisimula nanaman ako sa mga maling iniisip ko.
"May dapat nga ba tayong pag-usapan Paul?" Diretsong sagot na tanong ko sa kanya na naging dahilan ng hindi magandang pustura ng mukha niya.
"Ano bang problema? Bakit ba nagkakaganyan ka nanaman!?" Malakas na tanong niya.
"Napagod lang siguro ako sa trabaho. Sige na magpapahinga na ako" pilit kong hinahon sa boses ko.
Alam ko na alam niyang may mali at hindi ako okay. Dahil sa pagtawag ko sa pangalan niya.
"Mag-usap nga tayo Den!" Muling sigaw niya dahilan para maisara ko uli ang pintuan ng sasakyan niya.
"Ano bang problema Den!? Ano ba nanaman ang nangyayari at nagkakaganyan ka!?" Tanong niya sakin.
Bahagya akong umayos ng pagkakaupo ko.
Dapat ko ba siyang tanungin?
Dapat ko bang i-open ang usapan tungkol kay Cassandra?
Dapat ko na bang siyang tanungin kung ano talaga ang nangyayari sa company nila?
Dapat ko bang tanungin kung mahal niya pa ako?
Tangina!
Bakit ba nagkakaganito nanaman ako!Handa nba ako sa posibleng maging sagot niya?
Tangina naman oh!
Gumagawa lang ako ng bagay na alam kong magdudulot sakin ng panibagong sakit."Ano Den! Sumagot ka! Palagi nalang tayong ganito! Palagi nalang!" Sunod niyang sabi nung nananatili akong tahimik.
"Sino si Cassandra?" Diretsong tanong ko sa kanya.
Bahala na.
Gusto ko sa kanya mismo manggaling ang sagot na gusto kong marinig. Alam ko naman na nakaraan na si Cassandra pero iba ang nararamdaman ko. Iba ang napapansin ko kay Francisco.Nagseselos na kasi ako.
Nasasaktan ako ng hindi niya alam.Inaantay kong sumagot siya.
Ang tagal.
Alam kong nakatingin siya sakin samantalang ako ay nananatiling nakatingin lamang sa labas at nakatitig sa isang kumpulang nag-iinuman sa tapat ng tindahan.Hindi makasagot si Francisco.
"Sige.. Bukas nalang ulit.. Masakit ang ulo ko. Dami ko kasing ginawa kanina sa school. Ingat ka pag-uwe..." Sabi ko nung hindi siya makasagot sa tinanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Bully Book III
RomanceEto na po ang ikatlong libro ng AMKB :) Maraming salamat po sa suporta! BubeiYebeb