GoodMorning Class!

9K 204 9
                                    

The Past.

Chriden PoV

Matapos kong mai-tap ang send button ng cellphone ko ay kaagad na akong bumaba. Akmang kukunin ko ang payong nung narinig ko ang kapatid ko.

"Kuya ang lakas lakas ng ulan. Saan ka pupunta?" Tanong sakin ng kapatid ko habang nakaupo at nakain ng mainit na sopas. Grade 4 na nga pala ang kapatid ko. Ang bilis talaga lumakad ng panahon.

"Babalik ako agad Chrien. May kakausapin lang ako" nakangiti kong sagot sa kapatid ko at mabilis na akong lumabas ng bahay.

Ang lakas ng ulan.
Pero hindi naman pwedeng hindi ako tumuloy sa pupuntahan ko kasi baka mag-antay si Franciso dun. At isa pa kailangan ko talaga siyang makausap. Sinabi ko talaga sa kanya na huwag na niya akong sunduin sa bahay. Mas malapit kasi sa kanila ang napagkasunduan naming coffee shop kung saan kami magkikita.

Pumara ako ng sasakyan.
Habang nasa sasakyan ako ay ramdam ko ang pagkalulan ng isipan at buong sarili ko. Nararamdaman ko yung pakiramdam na alam ko pero hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung bakit ko nararamdaman ito.

"Para po..." Sabi ko sa driver sapat na para marinig niya ako. Kaunti lang kasi kami sa loob ng jeep. Sino ba naman kasi ang gugustuhin lumabas ng bahay ng ganitong kasama ang panahon bukod sa kung may importanteng dahilan.
Katulad ko. Importante ang pupuntahan ko kaya kahit anong lakas niyong ulan ay kailangang sumugod ako. Importante na makapag-usap kami ni Francisco.

"Good Evening po Sir!" Bati sakin ng guard sabay bukas ng glass door. Sinuksok ko ang dala kong berdeng na payong sa gilid ng glass door.

Nahagip agad ng mata ko ang lalakeng pinunta ko dito. Ang lalakeng matagal ko ng gusto ulit makausap.

"Kanina ka pa?" Malumanay kong tanong sa kanya habang umaayos ako ng pagkakaupo.

"Kadarating ko lang din" mahinahon niyang sagot.

Inilapag ng waiter ang inorder namin. Pinatong ko sa table ang cellphone ko.
Kapwa kami tahimik at ramdam kong nag-aantay lang kami kung sino ang unang babasag sa katahimikang bumabalot saming dalawa.

Hindi parin nagbabago ang taong minahal ko. Napakagwapo parin. Nakakaakit parin ang kanyang mga mata at nakapanghihina parin ang kanyang mapulang labi.

"Pasensya na... Gusto lang talaga kita makausap Francisco..." Mahinahong kong basag sa katahimikan saming dalawa.

Nagsimulang kong marinig ang kanta ng radio station ng coffee shop.

Pls play Walang Iba.

"Bakit Den? May problema ba?" Sabi niya at ramdam ko ang kakaibang tono sa boses niya. Yung tonong nakakapagbigay nanaman sakin ng kakaibang pakiramdam.

Flashback 1.1

"Goodmorning class!"

Masayang bati ko sa mga estudyante ko.

Oo! Tama! Teacher na ako ngayon. Ang bilis nga ng pangyayari eh. Hindi ko ine-expect na magiging teacher ako dito sa Felipe Calderon Elementary School.

"GoodMorning Sir Den!" Malakas at sabay sabay na bati naman nila sakin.

Naupo ako sa teachers table at sinimulan ko ng ayusin ang mga gamit ko. 6:45am palang. 7:10 ang flag ceremony kaya makakapaglinis linis pa kami ng classroom namin.

"Guys check your area. Maaga pa naman kaya maglinis linis na muna kayo" sabi ko sa mga estudyante ko.

"Sir okay na po. Malinis na po lahat ng area" sagot naman ni Marinelle De Guzman Colorado. Isa sa mga estudyante ko.

Ang Manliligaw Kong Bully Book IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon