Ano Jerome? Matagal ka pala eh!

3.1K 150 13
                                    

Shoutout nga po pala kay Pia Arayata :) Inaanak ko yan at binabasa niya itong story. Pamangkin na Inaanak pa. Musta mo ko ke Kuya Bingbong :)

Life is like a boat.

Chriden PoV

Nilapitan ako ni Jerome at ipinatong niya sa balikat ko ang kanang kamay niya.

"Are you okay? Mukhang hindi ka yata komportable sa jersey ko ah" sabi sakin ni Jerome.

"I'm okay.. tara! Join na tayo sa kanila" mahinahong sagot ko sa kanya.

Ayokong isipin kung bakit ganoon nalang ang iginawi sakin ni Francisco. Alam ko naman ang kasalanan ko. Ginawa kong kasalanan para sa ikakabuti nila. Ang tumatakbo lang sa isipan ko ay bakit iba ang kasama niya? Dapat si Cassandra ang kasama niya.

Nandito ngayon kami sa garden nila Jerome. Katulad dati may bonfire na nasa gitna namin. May ihawan at maraming pagkain ang nakahain sa mahabang lamesa.

Nakaupo kaming nakapalibot sa bonfire na nasa gitna.

"Guys, si Aleli nga pala" pagpapakilala ni Allen sa kasama niyang babae.

"Ito naman si Jhen" sabi naman ni Brille.

"Oh huwag ka ng mag-abalang ipakilala ako! Kaya ko na! Ako na! Baka ibahin mo pa pangalan ko!" Biglang sabi naman ni Sheryl kay Kerby.

"Girls ako nga pala si Lady Tsunade at siya naman si Majinboo" sabay turo niya sakin dahilan para magtawanan ang mga magkakaibigan.

"Mapagbiro talaga yang babaeng yan.. siya nga pala si Sheryl. Teacher yan" maayos na pagpapakilala naman ni Brille.

"Oo na Usopp!" Sabi niya kay Brille.

"Guys si Cathy nga pala. Girlfriend ko" -Francisco.

Napatingin halos lahat kami sa dalawang magkatabi. Bakas sa mga mukha ng magkakaibigan ang pagtataka sa kanilang narinig. Kahit ako.

Tanginang Francisco to!

"Oh bakit parang gulat na gulat kayo?" Nakangiting tanong ni Francisco samin. Ayy sa kanila pala kasi simula ng dumating siya ay hindi niya ako tinitingnan.

"Hi Cathy. Gondo nomon!" Basag ni Sheryl sa akwardness saming lahat.

"Girls ito nga pala boyfriend ko. Si Den" kasunod nun ay ang pagpatong nanaman ng kamay niya sa balikat ko.

Boyfriend? Hindi!! Wala!!!

Saming dalawa naman ni Jerome napunta ang atensyon ng magkakaibigan maliban kay Francisco na naglalagay ng hotdog at maliit na pusit sa mahabang stick na hawak niya.

"Kayo na? Agad!?" Mukhang tangang reaksyon ni Sheryl.

"Di na dapat pinagtatagal yun. Dun naman kasi pupunta. Nagpaplano kami magpunta sa Canada. Dun lang kasi ang alam ko na may same sex marriage" mahabang paliwanag ni Jerome.

"Pre?" -Allen
"Jerome?" -Brille
"Seryoso?" -Kerby
"Tangina mo Den! Dali ka nanaman!" -Sheryl.

"Oh bakit parang nagulat din kayo? Hindi na kasi dapat pinagtatagal. Baka kung saan nanaman mapunta itong taong ito eh" malawak na pagkakangiting sagot ni Jerome at bahagya niyang inilapitbang katawan ko sa kanya sa pamamagitan ng braso niya.

Jerome hindi ko alam ang tinatakbo ng isipan mo. Alam kong nagbibiro ka lang kaso parang sobra na yata. Ayan di Francisco oh. Alam mo naman ugali niyan. Baka mag-away nanaman kayong dalawa dahil sakin.

"Good for you Pre" sabi ni Francisco.

"Kami rin. Nagpaplano na mag-settle down. Inaantay lang namin ang pag-uwe ng mama nitong si Catherine. Ayaw kasi pumayag na ikasal kami ng wala siya" mahabang dugtong ni Francisco.

Ang Manliligaw Kong Bully Book IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon