"Ms. Chen, are you listening?" ako nanaman nakita nito tsk.
"Yes sir I'm listening." matamblay kong sagot.
Hays lutang nanaman ako, college life is so... Arggg. *Bell rings* Finally. Dumiretso muna ako sa Cafeteria para puntahan sila Ellie at Shane.
"Beij, bat ang tagal mo? Kanina pa kami dito." biglang sabi ni Shane.
"Oo nga tas ang haggard mo pa, anyare? Si Mr.Ramos prof. nyo no? Hahaha!" pinagkaisahan nanaman ako nitong dalawang 'to.
"Oo, alam mo naman yun ang tagal mag pa dismiss dami pang sinabi" nanahimik nalang sila, pati kasi sila asar din kay Mr.Ramos.
"Food park tayo?" aya naman ni Ellie. Umiling ako.
"Kayo nalang pagod na ko tsaka 5pm ako nagpasundo kay Mang Dante." sinamaan nila ako ng tingin.
"Kahit kailan talaga ang kj mo 'no, Ms. Nathalie Beijing Chen?" inaantok na kaya ako tsk.
"May tatapusin pa kong research next time nalang." inirapan nalang ako ni Shane tsaka nag paalam sakin. Di naman nag tagal, dumating na si Mang Dante. "Mam may dadaanan pa po ba tayo?" i yawned. "Diretso na tayo, Mang Dante." maya maya nandito na pala kami sa bahay. Dumiretso ako sa kwarto tsaka humiga sa kama. I checked my phone then I saw a text.
Kyle Ellie Gomez: Next time ha?
i turned off my phone and then closed my eyes.
-------------------------------------------
"Hi there," napatingin ako sa lalaki na nakatayo sa harap ko.
"Would you mind if I join you?" sino naman 'to para lapitan ako?
"Do I know you?" tinaasan ko sya ng kilay.
"Ohh by the way i'm Third Justin Lim," so di ko nga sya kilala kaya inirapan ko nalang.
"Ang snob mo talaga Beijing no?" di pa ba 'to nakakaramdam? nagbabasa ako diba?
"Can't you see? I'm reading." feeling ko namumula na naman ako sa sobrang inis, parang nag iinit nanaman yung muka ko.
"Sorry," ngumiti pa sya. Pacute? Hindi naman sya cute ni hindi nga sya mukang tao. Tumayo nalang ako sa kinauupuan ko tsaka nag lakad papunta sa lib nang bigla kong nakasalubong sila Shane.
"Oh Beijing, bad mood ka nanaman?" i sighed.
"Psh. Di ka pa ba nasanay dyan?" sagot ni Ellie sa tanong ni Shane.
"What happened?" umupo muna kami bago ko sinagot yung tanong nya.
"May lalaki kasing makulit na lumapit sakin kanina sa canteen, e nagbabasa ako," nanlaki mata nila parehas.
"May nag tangkang lumapit sayo? Sa isang Nathalie Beijing Chen?!" pinanliitan ko sya ng mata.
"Anong sabi sayo?" ang kulit naman tsk. "He sat infront of me then introduced himself, as if I care." tinitigan nila ako na parang nag tataka. "What's his name daw?" tanong ni Ellie. "Third Justin Lim daw." this time, di na sila nagulat. "Ohh si Third, yung heartthrob ng campus, di mo ba kilala yun?" i shook my head.
"Hindi, at wala akong balak na kilalanin sya. By the way, mag babasa pala ako sa lib sasama ba kayo?" umiling silang dalawa. "Okay bye." Dumiretso nalang ako sa lib. Pagka pasok ko, pumunta ako sa general reference section at nag hanap ng babasahin. 2 minutes ko nang hinanap yung libro na babasahin ko... Finally nakita ko na, kaso nasa taas hindi ko abot. I tried to reach it by myself. I don't need anybody's help but suddenly... May naramdaman ako sa likod ko. A tall man. He reached the book that I'm trying to reach then he gave it to me. Nakakainis sino ba 'tong papansin na 'to?! Hindi ko naman kailangan ng tulong nya. Tinignan ko sya tapos nagulat ako...