Blackmailer 2

24 0 0
                                    


Teka nga Phoebe!

Hwag munang lumandi, may kasalan yang lalaking yan sayo no!

"Sorry Miss."

Paumanin nito. Pero tiningnan ko lang siya ng masama.

Kahit mas bumibilis pa lalo ang tibok ng puso ko pati na din paghinga ko.

"Sorry?! Walang magagawa yang sorry mo. Nangyari na e."

Asar kong kinuha ang panyo ko galing sa aking bulsa at pinunasan ang nabasa kong long sleeves. Hindi naman masyadong kumalat pero natupunan parin ako.

"Alangan namang magsorry ako bago ko natapon sayo ang coke ko Miss. Para naman yatang sinadya ko na yun."

Aba!

Napatigil ako ng pagpupunas dahil sa sinabi niya. Sinenyasan ko sina Maria at Theressa na nasa likuran ko na mauna ng mag order ng snacks.

"Pero Phoebeㅡ"

May sasabihin sana siya pero pinutol ko agad.

Lumakad naman agad sila ng may ngiwi sa muka. Para naman silang nakakita ng multo ng makita nila kung sino yung lalaking nakabanggaan ko.

Akala mo naman kung sino tong lalaking to. Ni hindi ko nga siya kilala. Tsaka gwapo lang naman siya.

Gwapo lang! Medyo macho, mukang matalino, malakas ang appeal. Yun lang. Yun lang yun!

"So ako pa ngayon ang may kasalanan? Bago ka lang siguro dito no? Hindi kita namumukaan e. At for your information kahit ganito lang ang height ko mister, fourth year na ako okay? Alangan namang di mo ako nakita diba?!"

Inirapan ko ito bago nilagpasan. Pero hindi pa ako nakakalayo, nagsalita ulit yung ugok na lalaking nakabanggaan ko.

"Is that how you treat your Filipino prof Ms Phoebe Vien Love?"

Napalingon ako sa kanya at tumawa ng malakas.

As in yung nababaliw na tawa. Ang galing niya kasi mag joke!

"Hahahahahaha! Ikaw? Prof ko? No way. Nagpapatawa ka pa."

Tatalikuran ko na sana siya ng may sinabi siya na nakapagpalamig sa buo kong katawan.

"Mabuti nga at hindi kita pina-guidance despite na natutulog ka lang ng nakanganga kanina sa subject ko."

Nakangisi ito sa akin.

Habang ako?!

Ako na halos mamatay na sa kakahiyan dahil sa sinabi niya. Nagtawan tuloy mga tao sa loob ng canteen.

Bwiset!

Siya pala si Mr. Haite. Amp. I hate him! Ugh. Dahil sa sobrang inis pumunta ako sa table na inuupuan nila Maria at Theressa. Kinuha ko ang coke na inorder nila at pumunta sa kinatatayuan ni Sir Haite.

It's time for my sweet revenge.

"Sorry sir."

Nakayukong paumanhin ko habang hawak parin ang coke. Pero inangat agad ang muka para makita ang reaksyon niya. Ngumisi lang to sa akin.

Demonyo!

Naman kasi! Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko? Parang ganito...

DUG. DUG

DUG. DUG

DUG. DUG

"It's fine Ms Love. Bago ko makalimutan, napansin ko kasing magkasalungat pala ang apelyido natin but i think were meant to be."

BlackmailerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon