Blackmailer 8

17 0 0
                                    


"Tss. Sige na pumasok ka na."

Pero ewan ko kung anong pumasok sa isip ko at hinalikan ko siya sa pisngi.

Napatulala naman siya habang hawak hawak ang pisngi kung saan ko siya hinalikan.

Ako naman, nahihiya na.

"Thank you for making me happy Icen. At kung gusto mo talagang magustuhan kita. Paghirapan mo. Bleh!"

Mahina kaming tumawa pareho. Baka kasi lumabas sina Mama at makita pa kami.

"Pumasok ka na nga. Baka kasi maiuwi pa kita pag di mo pa ginawa yun."

Banta nito sa akin habang nakangiti na ng totoo. Hindi yung katulad na ngiti niya kanina na may lungkot.

"Opo ser. Bukas na lang ulit. Good night boypren."

Kumaway ako sa kanya at binuksan na ang gate. Hindi naman nagduda sina Mama sa akin kaya walang sermon na nangyari.

Tsaka natutulog narin pala si Papa.

Mabuti na lang.

"Wew. Bakit ba ang sweet ng papa mo teddy? Ayan tuloy, unti unti narin akong nahuhulog sa kanya."

Si teddy ang kinakausap ko. Tsaka yung papa ni teddy si Icen.

Diba nga sabi niya anak namin to. Hihi.

At ewan ko ba kung bakit minsan naiimagine kong magkakatuluyan kami ni Icen tapos may karga karga akong baby boy.

Nangangarap lang ako ng gising.

Nahuhulog na nga ako ng tuluyan sa kanya.

Hindi naman ako tanga para di malaman kung ano ang ibig sabihin nitong tibok ng puso ko lalo na pag nasa tabi ko siya palagi.

Kanina ko pa nga narealize yun. Nung sabihin niya sa aking hulog na hulog na daw siya sa akin.

Ewan ko kung totoo yun pero itong nararamdaman ko totoong totoo. At sure na ako dun. Kahit kay Elian hindi ko to naramdaman, kay Icen lang.

Kahit alam kong pagkatapos ng araw ng biyernes mawawala na siya sa akin. Tapos na kaya ang deal namin.

Pero okay lang kasi at least nagkaroon ako ng boyfriend na katulad niya.

"O anak, bakit gising ka pa?"

"Ay sus maryosep ka naman Ma. Nanggugulat ka na naman e!"

Tinabihan ako ni Mama ng tumatawa tawa pa. Bakit ba ang hilig ng nga tao na manggulat?

Pano na lang kung maysakit pala ako sa puso? Joke lang.

"Hindi ka ba makatulog Phoebe?"

"Opo. May iniisip lang."

Napangalumbaba ako dahil pumasok na naman sa isip ko ang muka ni Icen.

Ang gwapo shemay!

"Alam ko kung sino ang nasa isip mo."

Bigla naman akong napatingin kay Mama dahil sa sinabi niya.

"Alam niyo po? Weh? Sino po aber?"

"Yung lalaking nagbigay niyang rosas na katanim pa sa pot at sa teddy bear na yun."

Napalaki ang nga mata ko. Nooo!

"Paano niyo po na nalaman na hindi kina Maria galing yan at sa principal naman to?!"

Natataranta na ako! Baka alam na nilang dalawa ni Papa at naghihintay sila ng tamang pagkakataon na itakwil ako!!!

Ay! Ang drama ng imagination ko.

BlackmailerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon