This chapter is dedicated to my friend who never left my side when were still in junior high school.Huy! Basahin mo to ha. Hahaha. ;)
----------------------------------------------
Para sa akin na isang magandang dilagㅡ Joke lang! Para sa akin nga pag may crush akong ayaw sa akin,
HAYAAN.
Malay mo diba sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya. Naunahan ka nga lang. Hahaha.
Pabago bago ako ng crush noong elementary lalo na nung nag high school na ako pero nung tumuntong ako ng college. Wala ng naging iba kundi si Elian Grey.
Yun kasing lalaking yun ang may kasalanan kung bakit abnormal na ako ngayon. Naalala ko pa nga nung first year college pa ako, hindi ko siya naging kaklase kahit anong subject.
Kasi nga magkabatch kaming dalawa pero magkaiba nga ng kursong kinuha.
Pastalk stalk lang ako sa kanya noon pero nung nag second year college na ako, naging magkasama kami sa Math club na sinalihan ko.
Ewan ko kung bakit ba ako nagpa register e ang bobo bobo ko pa naman sa Math.
Akalain mo nga naman no!
Syempre grab the opputunity, minsan pag may mga activities or program nagkakasama kami sa pag pe-prepare. Ang swerte ko nga e. Hahaha.
Hanggang sa natapos ang year, ayun. Para na naman akong pinagsakluban ng langit at lupa. Kasi nga diba baka mawala na ang swerte ko at di na kami magkasama sa isang club next year.
PERO!
Hahaha. Caps lock talaga? Naging magkasama ulit kami sa Math Club. AT! Level up na kasi pareho kaming officer. Malupit pa kasi siya ang escort ako naman yung muse! Ihhhhh! Pero diba nga pag may magandang nangyari sayo may kapalit na masama.
Kahit naging magkasama kami nun sa mga activities at partner kami kapag may ginagawa whole year yun ha pero hindi niya naman ako pinapansin.
Tsaka ang masaklap parati niyang nakakalimutan ang pangalan ko! Ang sakit kaya. Balita ko top pa naman siya pero pagdating sa pagmemorize ng maganda kong pangalan, hindi niya magawa!
Ay nakalimutan ko! Kanina pa ako dakdak ng dakdak dito hindi ko pa naipapakilala ang sarili ko.
Ehem.
Ako nga pala si Phoebe Vien Love. O diba. Pangalan palang maganda na. Tsaka ang ganda ng apelyido ko no? Love. Hahaha. Fourth year college na ako sa kursong BEED.
Teka nga. Nasaan na ba kasi yung dalawang bruha kong kaibigan?! Late commers talaga. Tsk.
Naglakad lakad pa ako sa may hallway hanggang sa may nambatok na lang bigla sa akin.
"Ano ba?"
Sigaw ko dun sa may likuran ko. Nilingon ko naman kung sino man ang nambatok sa akin. Pero natawa na lang ako ng makita dun ang dalawa kong kaibigan.
"Siguro..."
May pang aasar sa tono ng pagsasalita ni Maria ng sabihin niya iyon at may pabitin effect pa.
"Anong sinasabi mong siguro?"
"Siguro iniisip mo na naman si Elian no?"
Pang-aasar ni Maria sa akin. Isa yan sa mga baliw kong kaibigan.
"Hwag mo ngang lakasan ang boses mo. Baka may makarinig. Sshh! Tsaka bakit mo naman nasabing iniisip ko si Elian my loves?"
Tanong ko pabalik sa kanya.
BINABASA MO ANG
Blackmailer
Narrativa generaleJust a simple love story about a girl named Phoebe Vein Love and a guy named Icen Haite.