Sumunod naman ako sa kanya. Nadatnan kong kumakain si Papa sa hapag. So lumabas lang pala si Mama para silipin kung nakauwi na ako.Inaya ako nila na kumain pero sinabi kong kina Maria na ako kakain dahil birthday ni Elian my loves ko.
Pagkapasok ng kwarto agad akong naghanda ng masusuot.
Pinili ko yung hindi ko pa nasusuot na plain black shirt at yung lower e torn jeans. Nothing special right?
Sinuot ko din yung G-Cleff na kwintas na ibinigay sa akin ni Mama nung nakaraang pasko para naman may konti akong accesories. Tsaka ayoko ding mag skirt.
Eww kaya! Hay. Sana magkapareho kami ng color ng shirt ni Elian. Para meant to be ang peg. Haha. Naligo naman ako at nagbihis na.
Sneakers lang ang ginamit kong sapatos. Alangan namang mag heels ako diba?
Napatalon naman ako dahil sa gulat. May sasakyan yata sa baba. 7:25 na pala. Hindi kaya sina Maria at Theressa na yun?
Kinuha ko naman agad ang cp at wallet ko. Mahirap na baka may emergency na mangyayari.
"Nandun na sa labas ang kotse ni Maria, Phoebe. Bilisan mo na at wag lalampas sa alas dose ha. Kung mag sleep over naman kayo sa bahay ni Maria. Text mo lang ako."
Yang ang bungad sa akin ni Mama pagkalabas ko ng kwarto. Hay.
My oh so protective Mother.
"Opo. Alis na po ako. Bye Ma! Bye Pa."
Dali dali naman akong lumabas at nadatnan kong nandun na nga sila Maria na nakasandal sa kotse niya.
"Tagal mo baliw ha."
Kinurot ko naman pisngi nito at binuksan na ang pinto sa may likuran.
Nandun kasi si Theressa sa passenger seat tapos si Maria yung magda drive.
"Aba. Nag usap ba tayong tatlo sa susuotin natin?"
Napatawa na lang kami sa sinabi ni Theressa. Pano ba naman kasi, naka torn jeans din ang dalawang baliw.
Sa upper ni Maria color white na shirt at si Theressa naman grey shirt.
Tsismis kami ng tsismis habang papunta sa bahay nila Maria.
Nung papasok na ang kotse sa gate kinabahan agad ako. Pano ba naman kasi!
Wala na akong mukang maihaharap kay Elian dahil sa nangyari kaninang umaga. At iniiwasan ko si Icen.
Baka kasi sumpungin yun ng kabaliwan niya at sabihin sa ibang tao na hinatid niya ako.
NOOO!
Malaking isyu yun pag nagkataon.
"Huy! Kanina ka pa tulala baliw. Mahuhuli na tayo sa parteh!"
Excited na sigaw sa akin ni Theressa. Hinila nila akong dalawa papunta sa napakalaking garden nila Maria. Oo malaki.
Kasi mayaman tong baliw na to e. Dun idadaos ang parteh! Umupo kami sa medyo madilim na part nung garden. Ayaw naming makakuha ng atensyon. Ayun nga.
Winelcome ng mama ni Maria ang lahat ng dumalo sa birthday ni Elian. Tapos kumain na ang lahat.
Then nagparteh parteh na kami. As in yung inuman. Pero hanggang ngayon di ko parin nakikita kung san banda si Elian nakaupo.
Hanggang sa nahagip ng mga mata ko ang isang lalaking nakatalikod na nakaitim sa malapit lang na table namin. Sana si Elian yun.
Nahigit ko naman ang hininga ko ng lumingon ito sa akin. Grabe bakit ang gwapo niya?!
Huy Phoebe hindi siya ang hinahanap mo! Si Elian hindi si Icen. Naku! Oo. Si Icen yung nakaitim na lalaki. Pero kahit pareho kami ng suot di kami meant to be ha!
BINABASA MO ANG
Blackmailer
General FictionJust a simple love story about a girl named Phoebe Vein Love and a guy named Icen Haite.