Tiningnan ko kung nandun pa sa tabi ko si Icen pero wala na."Icen?!"
Nilibot ko ang buong kwarto niya pero wala. Hanggang sa napadpad ako sa may terrace niya.
"Icen?! Nasaan ka na? N-natatakot na ako. Magpakita ka na please?"
Maluha luha na ako dahil sa nangyayari. Natatakot akong maiwan ng mag isa.
Ng walang Icen sa buhay ko.
"Ice..."
"Surprise!"
Nagulat ako ng biglang umilaw ang terrace at may nakalagay dun na table na may dalawang upuan.
Puno ng kumukutitap na ilaw ang buong terrace niya. At ang ganda nun.
"Ano to?"
Naguguluhang tanong ko sa kanya. Pero imbes na sagutin ako e niyakap lang niya ako ng mahigpit.
"Gusto lang kitang i surprise pero parang natakot pa yata kita."
Napatawa ko dahil sa mga nangyayari.
Napakapraning ko na talaga.
"Sorry. Praning lang. At t-thank you sa ginawa mong surprise."
Iginaya naman niya ako paupo dun sa sinet up niya na maliit na mesa at namangha ako dahil nasa langit na naman ang Andromeda at Perseus.
"Nagustuhan mo ba?"
"Oo. Gustong-gusto ko." n
Nagkwentugan lang kami ng ilang oras.
Hindi ko inaalala kung anong oras na. Basta ang gusto ko lang ang magkasama ang taong mahal na mahal ko.
"Hatid na kita."
Nasa labas na kami ngayon ng gate niya at uuwi na sana ako.
"Teka lang Icen."
Pinigilan ko siya bago pa siya pumasok ulit sa loob ng bahay niya para magpalit.
"Ano yun Phoebe?"
Putek.
Bakit ang lambing ng boses niya at kung makatingin siya sa akin parang may alam siya na hindi ko alam?
"May sasabihin ako sayong importante."
Napayuko ako dahil hindi ko alam kung tama ba tong gagawin ko.
Ipagtatapat ko lang naman ang nararamdaman ko sa kanya.
Ay bahala na nga!
"Spill it."
"Sa tingin ko kasi Icen.. .Mahal na kita."
O ayan nasabi ko ng nakapikit. E sa nahihiya ako!
"T-talaga?! So totoo yung sinabi mo nung nakahiga na tayo kanina?"
Napatingin naman ako agad agad sa kanya dahil sa kanyang sinabi.
"Hindi ka pa tulog nun?"
Gulat kong tanong.
"Oo. At dinig na dinig kita. Hahaha."
Syet. Nakuha pang mang asar.
"Ang daya mo! Kala ko hindi mo narinig. Daya!"
Lumapit ako sa kanya at buong lakas na pinaghahampas ang dibdib niya.
"Ouch! Masakit na Phoebe. Hindi ko naman kasalan yun."
Pinipigilan niya ako sa paghampas sa kaniya hanggang sa ako na mismo ang tumigil.
Kapagod!
"E kasi... Dapat surprise yun ngayon. Pero wala na! Sira na!"
BINABASA MO ANG
Blackmailer
General FictionJust a simple love story about a girl named Phoebe Vein Love and a guy named Icen Haite.