Blackmailer 5

25 0 0
                                    


"Hoy Phoebe Vien Love! Tumayo ka na diyan para makapasok na tayo."

Ugh! Ang ingay! Napatakip ko sa tenga ko.

"Aray! Eto na nga e. Babangon na!"

Padabog akong tumayo at super duper na sumakit ang ulo ko, lumala pa dahil sa batok sa akin ni Maria.

Putangnang hang over yan.

"Eto na pala muna susuotin mo. Wala kang uniform e."

Itinali ko muna ang buhok ko ng messy bun at ang bangs ko naman ay hinayaan ko na lang din sa kinalalagyan niya.

Inabutan naman ako ni Theressa ng simpleng ripped jeans at isang three-fourth sleeved polo na may print na;

DONT MESS WITH ME!

...

Nasa school na kami ngayon at masakit parin ang ulo ko kaya todo iwas ang mga taong nakakasalubong namin.

Kunot na kunot kasi noo ko tsaka para daw akong mangangain ng tao sabi ni Maria. Tapos nakadagdag pa yung nakasulat sa suot kong damit.

Sisihin nila ang hang over ko. -_- Bwiset!

Wala namang masyadong nangyari kasi wala ang impakto sa buhay ko.

'Aminin mo na kasing miss mo na si ser mo.'

Ayan na naman ang epal kong konsensya.

"Lutang ka na naman Phoebe ha. Inisip mo yata masyado si sir. Yieee!"

Tukso sa akin ni Theressa at Maria habang nasa tricycle kami. Pauwi na tapos nakuha pang mang asar.

Di ko na lang sila pinansin. Nakauwi ako sa bahay na lutang parin.

Pano ba naman kasi?! Nasabi ko lahat ng sakit na nararamdaman ko kay Icen.

Pero feeling ko di naman yun tsismoso. Sana nga.

Hay. Pinagalitan pa talaga ako nina Papa dahil sa pag uwi ko ng gabi. Wala kaya akong kasalan!

Yung mga tricycle driver ang may kasalanan kasi hindi nila kami pinapasakay.

Nakaka-imbyerna!

Kinabukasan ayun nag P.E lang ako.

Tungkol nga pala kay Elian. Ayun, wala na akong pakialam sa kanya.

Nawala na yata ang pagka crsuh ko sa kanya simula ng makita ko sila ni Leigh na naglalaplapan.

Pramis! Okay na ako.

Papasok pa lang ako ng room nun ng nakarinig ako ng pamilyar na boses sa loob.

Patay. Late na naman. Bahala na nga.

Pagpasok ko...

"Your late again Ms Love. And why are you wearing your P.E uniform?! Its not even friday today."

Bungad sa akin ni ser. Hay naku.

Nakakaloka siya. Nung isang araw lang ang bait niya.

Hinayaan niya akong masabi ang nararamdaman ko tapos ngayon?! Anak ng putek.

"Sorry sir."

Nakayuko kong sagot.

"Wag kang magdrama Ms. Love. Pumunta ka sa guidance office susunod ako. I wont tolerate you anymore."

Scary siya ngayon ha. Ano kaya nahithit niyo?

Lalabas na sana ako ng pinto ng biglang nagsigawan ang mga kaklase ko.

BlackmailerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon