Blackmailer 7

24 0 0
                                    


Sumunod ang second place pero hindi parin kami. Nakakainis.

Meron na naman akong nagawang mali. Hindi kami nanalo. Magwa walk out na sana ako nun ng biglang...

"And our winner is... From Sta. Ana University!"

Kung kanina maluha-luha na ako sa kaba. Ngayon tuluyan ng may tumulo na luha galing sa nga mata ko.

Nanalo kami!

Para kaming tatlong mga baliw na umakyat sa stage. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko.

Kinuha namin ang trophy at certificate.

Pero teka?

Nasaan si sir?

Bahala nga siya. Iniwan pa talaga niya ako!

I-erase ang bad vibes Phoebe! Masayang naglakad kami na parang mga baliw.

Kahit nung nakalabas na kami ng gate ng school ng... Haite University?!

"Kaano-ano ni ser ang may ari nitong school na to?"

Naguguluhang tanong ko kina Maria.

"Hindi mo ba alam na ang mga magulang niya ang may-ari nito? At ang sabi pa sa tsismis na pinatapon daw si sir sa isang University which is sa atin para matuto sa ginawa nitong kalokohan sa Haite University. At ayaw nga maging prof ni sir kaya lang walang nagawa kasi utos ng parents."

So kanila pala to?! Kaya pala todo bati sa kanya ang mga tao dito.

"Ganun ba."

Papara na sana kami ng taxi ng biglang huminto sa amin ang isang van.

At lumabas dun ang isang lalaki na naka bonnet. Kinabahan ako bigla.

"Sumama kayo sa amin miss kung ayaw niyong masaktan."

Malalim ang boses nito na sabi.

Hinila ako nito ng sapilitan at isinakay. Ganun na din sina Maria at Theressa.

"WAAAAHHHH!!!!!! TUL..."

Bago ko pa masabi ang salitang tulong e tinakpan na nito ang aking bibig. Kala ko mabaho kamay niya pero ang bango ha.
Pero kahit na! Huhuhu! Tulong ser. Nasaan ka na!!!

...

"Ugh! Ang sakit ng ulo ko!"

Napatingin ako sa paligid at kinabahan ng todo. Kala ko panaginip lang na nakidnap kami pero...

Luminga linga ako sa paligid at nakita ko din sina Maria at Theressa na nakatali rin sa upuan namin ngayon.

"O gising ka na pala. Tara na. May gagawin pa tayo."

Yun yung lalaking humila sa akin. Yung mabango pero di ko alam kung gwapo.

At ano raw?! May gagawin pa kami?! Ano kaya yun?

"Please parang awa mo na kuya o kung sino ka man. Bata pa po ako."

Pero kahit anong pagmamakaawa ko hindi ako nito pinansin at hinila ako patayo.

Nagising na din sina Maria at may dalawa pang lalaking humila sa kanila.

"Kuya! Saan ba tayo pupunta?! Wag niyo po kaming gagawan ng masama."

Pero wala paring sagot sa akin hanggang sa nakarating kami sa tapat ng isang pinto.

Pagbukas nito...

"CONGRATULATIONS!"

Sabay sabay na sigaw ng nga tao na nasa harapan ko. Takte.

"What do you think Phoebe?"

BlackmailerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon