"Tapusin na natin to Icen."Malamig na panimula ko sa kanya. Nandito na kami sa eco mini park. Wala narin kasing masyadong tao dahil uwian na.
"Nakapag disesyon na ako Phoebe. Ipaglalaban kita kung ganun din ang gagawin mo."
Mahinang sagot ni Icen sa akin.
"Well sorry Icen. Hindi ko na kaya pang makasama ka. Yung taong inakala kong hindi ako lolokohin ay siya pa ang may pakana sa lahat ng nakakapagpasakit sa akin ngayon."
Pinigilan ko ang mga luhang nagbabadya na namang umagos.
"P-phoebe. Mahal kita at mahal mo ako. We can work things out."
Lumapit ito sa akin pero ako na ang umatras. Baka kasi pag tinangka niya akong yakapin e bumigay ako.
"Oo mahal kita pero hindi sapat ang pagmamahal natin sa isat isa. May fiancee kang naghihintay sa Canada. At ayokong sirain ang gustong mangyari ng mama mo para sa kinabukasan mo. Marami ka pang makikitang mas deserving na girlfriend kaysa sa akin Icen."
Tumigil ako sandali para kumuha ng sapat na lakas para sa susunod na sasabihin ko.
"Please, ako na lang ang inaasahan ng pamilya ko. Diba nga gusto mo ng makaalis sa University na to nung una pa lang para makapunta ka na sa Canada? Ngayon na yun. Iwanan mo na ako. Ibaon mo na sa limot ang lahat ng nangyari sa atin."
Napayuko lamang siya at nagulat ako ng mahawakan niya ang kamay ko sa isang iglap. Inangat niya ang ulo niya at tiningnan ako ng mata sa mata.
"Kung galit ka sa akin Phoebe ilabas mo lang. Hindi ako papalag kahit bugbugin mo man ako at hindi ako magsasawang magsorry sayo sa lahat ng ginawa ko basta wag mo lang akong paalisin sa buhay mo. Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka Phoebe."
Hindi ako bibigay! Yan ang paulit ulit na sinasabi ko sa sarili.
"Kaya mong mabuhay ng wala ako Icen. Nabuhay ka nga ng dalawampu't isang taon sa mundo ng wala ako."
Ngumiti ako sa kanya ng pilit para kahit konti makumbinsi ko siya.
"Life is not life until I met you Phoebe. Alam kong cheesy yun pero yun ang totoo. Sa bawat araw, linggo, buwan, at taon na lumipas nung wala ka pa sa buhay ko para lang akong robot. Kung anong inuutos sa akin, yun ang sinusunod ko. Pero nung nakilala kita dito sa University natutunan ko kung paano sundin ang gusto kong gawin. Kung paano magmahal."
Buong puso na pahayag niya. Ayun. Napaiyak na ako dahil sa sinabi niya. Bakit ba ang hirap gawin nitong disesyon na to?!
"Hindi ko kayang maging unfair din sayo Icen! Ayaw kong magdusa ka kasama ko kung itakwil ka man ng mga magulang mo. Please, let me go."
Hirap na hirap talaga ako sa bawat pagbigkas ng mga sinabi ko lalao na dun sa mga salitang nasa pinakahuling pangungusap.
"Pero..."
"Nakinig ka ba sa sinabi ni Leigh? Ako kasi oo. Diba sinabi niya kung para nga tayo sa isat isa gagawa at gagawa ng paraan ang Diyos para pagtagpuin tayo balang-araw? At sa ngayon pinaglalayo tayo ng tadhana kaya wag na nating ipilit pa."
Ang sakit lang. Ang sakit sakit!
"Sige Phoebe. Kung yan ang gusto mo. Pero tandaan mo to. Babalik ako. Babalik ako para pakasalan ka."
Napatulala ako dahil sa sinabi niya. Akala ko aalis na siya kaya lang... Hinalikan niya ako sa huling pagkakataon. Ninamnam ko ang bawat segundo ng tagpong iyon.
Kinabisado ang bawat parte ng napakagwapo niyang muka at syempre kung gaano ka tamis ang labi niya.
Magkadikit lang ang mga labi namin ng walong segundo at pagkatapos nun ay umalis na siya palayo.
BINABASA MO ANG
Blackmailer
General FictionJust a simple love story about a girl named Phoebe Vein Love and a guy named Icen Haite.