Prologue

8.7K 115 24
                                    

Kazumi's note: 'My kontrabida Love' side story. Short story about kay Renny & Rency, Kevin & Seraiah. Bale ang settings nito ay baby pa lang ang anak nina Malan and Sazer. Enjoy muahaha!

dedicated to her kasi siya yung gumawa ng cover sa side! Ganda 'no? :)

--------------------------------------------------------------------------

Prologue 

[Renny]

3 taon na rin pala ang nakakalipas mula nang mawala si Marjorie. Kahit na galit ako sa kanya, napawi pa rin ang lahat ng iyon dahil sa awa. Hindi ko naman kasi kakayaning forever na magalit na lang sa kanya. Hindi ako gan'ong kasamang tao.

Ang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang eh napaka-kumplikado pa ng lovestory nina ate Malan at kuya pero ngayon, super sweet na at may baby pa silang cute na cute!!! Haay! Nakakatuwa talaga! Naiinggit tuloy ako mehehe! Joke lang!

("Hindi ka ba talaga pupunta dito?") dinig kong tanong sa'kin ni ate Malan habang nagmamakaawa. Kausap ko kasi siya sa telepono. Narito ako sa bahay na binili ko, maliit lang siya kasi solo lang naman ako. Ayoko na kasi dun sa mansion, wala na naman kasi si kuya eh. Syempre kasama niya na si ate sa bahay na binili niya.

"Hindi na ate, next time na lang ulit ako bibisita. May pupuntahan kasi ako." sabi ko habang kinakalikot ang mga kuko ko sa daliri. Eeehh! Gusto kong pumunta ulit kina ate kaso may importante talaga akong lakad ngayon eh! Hindi pwedeng isantabi ko muna 'yun! Importante talaga siya!

("Ganun ba? Sige, ingat ka ha? Basta punta ka dito next time.")

"Oo naman ate! Nami-miss ko na yung kakyutan ni Delancy!" nagtawanan lang kami at pagkatapos nun ay pinatayan ko na siya ng tawag. Lumabas na ako at sumakay ng taxi, nagpadaan muna ako sa flower shop at bumili ako ng white roses and then, nagpahatid ako sa North Cemetery kung saan siya nakalibing.

Nakita ko mula sa malayo ang isang lalaki at babae na malapit doon. Teka, hindi naman siguro nila pinupuntahan si Marjorie. Baka ibang tao lang 'yun.

Lumapit ako at inilagay ko ang bulaklak sa tomb ni Marjorie. Nagdasal muna ako bago ako tumayong muli.

"Renny?" napalingon ako sa tumawag sa'kin.

"Seri?" si Seri nga! Kasama niya yung pinsan niyang lalaki! Si Rency nga ba?

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa'kin habang nakangiti. Napatigil tuloy ako sa pagtitig dun kay Rency.

"Ah binibisita ko lang si Marjorie, ikaw?"

"Ganun din. As you can see, kasama ko si kuya." tumingin ulit ako sa pinsan niya pero nakatingin lang ito sa kawalan. Bigla tuloy siyang siniko ni Seri. "Umayos ka nga kuya!"

"Aray! Ano ba 'yun?!" nginuso ako ni Seri, ibig sabihin tinuturo niya ako. "Shake hands ba?! Wag na!" siniko na naman siya ni Seri kaya in the end ay pilit inabot niya nang sa'kin yung kamay niya pero hindi ko ito tinanggap. Mukhang pilit na pilit nga lang siya eh, ang asim asim ng mukha!

I don't believe in Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon