Chapter 3

1.7K 71 8
                                    

Chapter 3

Seraiah's POV

Halos sabunutan ko na ang sarili ko ngayon. Isang linggo na ang nakakalipas mula nang sabihin ko 'yun kay Kevin. Saka ko lang din na-realize na mukha akong desperadang ewan. Ahhh!!! Nakakahiya ka talaga Seraiah! Muntanga ka lang!!!

Eh kaso nasabi ko na. Atsaka totoo naman eh.

Eh kasiii!!! Basta 'yun na 'yun! Nasabi ko na kaya dapat ko lang itong panindigan! Atsaka hindi naman talaga ako papayag na hindi siya magkagusto sa'kin 'no! Hindi naman ako desperada eh pero nagkaroon kasi ako ng lakas ng loob simula nang halikan niya ako! Alam kong sa ginawa niyang 'yun ay may pag-asa ako! Kaya dapat ipaglaban ko 'tong feelings ko! Nakanang!

"Nakangiti ka dyan?" sabi ni Renny sa'kin. Alam niyo ba, close na kami! Sinabi niya sa'kin na nagtatrabaho daw siya kay kuya! At ang nakakatuwa pa, secretary siya! Pagdating kaya sa trabaho eh ang sama-sama ng ugali ni kuya! Pero kahit na ganun, ang dami pa ding lumalandi sa kanya! Buti na lang talaga si Renny ang naging secretary niya ngayon! Pwede pa sila hihi!

"May naisip lang ako."

"Ano naman 'yun?"

Kinuha ko yung latte ko at ininom saka muling nagsalita, "May gusto kasi ako sa isang tao,"

"Kanino?"

I blushed, "Basta! 'Yun na nga! May gusto ako sa kanya tapos...hindi naman kami MU."

"Then?"

"Anong gagawin ko?"

"Gaya nga ng sinabi mo, gusto mo siya diba?" I nodded, "That means...hindi ka pa inlove sa kanya. Hayaan mo muna 'yang feelings mo. Wag ka munang gumawa ng move, malay mo mawala din 'yan. Gusto mo pa lang naman siya eh. Pero if ever na lumalim na 'yang nararamdaman mo, dun ka na dumiskarte para mapa-inlove mo din siya sa'yo."

Sumimangot ako sa harapan niya, "Eh...kasi..."

"Teka nga, may tanong ako sa'yo." umayos siya ng upo at tiningnan akong maigi. "Gusto or mahal?" na-gets ko agad ang tanong niya.

"Gusto? Pero parang...mahal? Hindi kasi hindi ko pa naman...parang ano...ang gulo kasi!" hindi ko maintindihan ang sarili ko! Naguguluhan ako!

"Confused ka pa,"

"Ha?"

"Sa ngayon naguguluhan ka pa. Sabihin mo na lang sa'kin kapag tinanggap mo na sa sarili mo na mahal mo na talaga siya."

"Pero 'di ko siya mahal!"

Nagkibit-balikat siya at ininom ang kanyang strawberry shake. "Magulo ka eh."

"Eh kasi naman...nung time na...hinalikan niya ako, parang..."

"T-teka," nanlaki ang mga mata niya, "Hinalikan ka na niya?"

Bopols, nadulas yung dila ko! "O-oo,"

"Oh my gosh!!! Gusto ka nga niya!!!" Sana nga Renny.

"P-pero sabi niya kalimutan ko na lang daw 'yun."

"What?"

Sumimangot ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. "Tumawag siya tapos 'yun nga, kalimutan ko na lang daw yung nangyari. It seems like hindi niya sinasadya 'yun."

"Pero ginawa niya?"

"O-oo,"

"Dalawa lang ang ibig sabihin n'yan!"

Agad akong napatingin sa kanya. Nakakagulat naman 'tong babaeng 'to eh! "Ano?"

"It's either nasa indenial stage pa siya like you or hindi niya lang talaga sinadya. Baka nagawa niya lang 'yun kasi nakyutan siya sa'yo or something like that, 'yun lang."

I don't believe in Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon