please follow Seraiah @seralalala_ on twitter.
-------------------------------------------
Epilogue
Renny's POV
"Good morning po."
"Hi ma'am!"
"Magandang umaga ho."
"Ang ganda niyo talaga."
Samu't saring bati ang natatanggap ko mula sa mga employee ni Rency. Simula nang malaman nila na nanligaw sa'kin si Rency ay naging ganito na ang trato nila sa'kin. Siguro tinakot ng lalaking 'yun etong mga 'to kaya siguro ganito ang pakikitungo sa'kin. Ah basta! Wala na akong pakialam! Basta ang mahalaga, happy ako! Hehehe.
"Oy bakla!" tawag sa'kin ni Edward, yung baklang kaibigan ko. "Anek na bang level ng status niyo ni fafa Rency?"
"Tungeks, hindi pa kami 'no!"
"Kalerky ka 'te! Ba't ba ayaw mo pang sagutin?"
"Eh basta!"
"Hay nako! Kapag 'di mo pa 'yun sinagot, aagawin ko siya sa'yo! Aakitin ko siya!"
"Eew! Madiri ka nga sa sinasabi mo!" Kadiri 'tong baklang 'to. "Sige na papasok na ako sa loob, bahala ka na dito."
"Okie!"
Nang makapasok na ako sa loob ay sumalubong sa'kin ang nakapatay na ilaw kaya't binuksan ko ito.
"Rency? Nandito ka na ba?" Shunga. Paanong mapapapunta dito si Rency kung nakapatay pa ang ilaw? "Teka, nasaan na nga ba yung memo pad ko?" Iniwan ko 'yun kahapon sa lamesa ko eh, mahalaga pa naman ang mga nakasulat doon.
"Nasaan na ba 'yu---OH MY GOD! RENCY!" Nagulat ako sa nakita ko. I saw him lying on the floor kaya't nilapitan ko agad siya at ini-angat ang ulo niya. "Rency! Rency! Anong nangyari sa'yo?!" Tinapik-tapik ko yung pisngi niya at unti-unti siyang nagmulat.
"R-renny..."
"Rency, anong nangyari?! Anong masakit sa'yo?! Nahilo ka ba?! Magpapatawag na ako ng ambulansya!" Dahil sa sigaw ko kanina ay may mga pumasok na tao. "Tumawag kayo ng ambulansya bilis!"
"O-opo!" Tumakbo yung isang lalaki, para siguro tumawag.
"A-ayos lang ako..."
"Anong ayos?! Bakit ba?! Ano ba talagang nangyari?!"
"R-renny..."
"Pinag-aalala mo ako Rency, ano bang kailangan mo? Tubig? Yelo?" Natataranta na ako eh.
Hinawakan niya ang kamay ko, "K-kailangan ko ng oo mo."
Natigilan ako. "H-huh?"
"S-sagutin mo na ako."
Napangiwi ako at doon ko lang na-realize na umaarte lang pala siya. "Bwisit ka! Akala ko pa man din kung ano na ang nangyari sa'yo!" Tumayo ako at inirapan ko siya.
"Sagutin mo na kasi ako." Tumayo din siya at kinindatan pa ako. Yuck!
"Bwisit ka! Paano kita sasagutin kung ganyan ang inaasal mo?!"
"Eh sorry na Renny, pero sa totoo lang natuwa ako kasi ganun ka pala mag-alala." Tumaas-taas yung kilay niya na para bang isang manyakis.
"Eew! Kadiri ka talaga!"
"Anong kadiri sa'kin? Gwapo naman ako ah?" Inilapit niya yung mukha niya kaya tinulak ko ito.
"Madiri ka nga sa sinasabi mo, hay nako aalis na ako!"
BINABASA MO ANG
I don't believe in Happy Ending
Teen Fiction[My Kontrabida Love sidestory] I don't really believe in happy ending...until she came.