Chapter 7

1.5K 53 3
                                    

Chapter 7

"Knight!" Tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap ko siya. Waah! Ang sarap yakapin ng lalaking 'to! Ang bango bango! "Bakit hindi ka man lang nagsabi sa'kin na ngayon ka na pala uuwi?! Nakakainis ka!!!"

"Diba nga sabi ko noong tinawagan kita, isu-surprise kita?"

"Daya mo!"

"Haha! Tara labas tayo!" Inakbayan niya ako na siyang ikinakilig ko. My gahd!!! Inakbayan ako ng crush ko! Haha! Landi lang!

"Hindi pwede! May trabaho ako eh!" Wrong timing naman kasi siya ngayon eh.

"Pwede 'yan, ngayon ka lang naman siguro a-absent?"

"Eh paano---"

"Excuse me," Nagulat ako nang lumapit sa'min si Rency at tiningnan niya ako nang seryoso. "Renny, pumunta ka sa 18th floor at ibigay mo ito kay mr. Gonzales." May inabot siya sa'king folder at tinanggap ko ito.

"As in now na?"

"Yes,"

"As in ngayon na ngayon na talaga?"

"Kelan ka pa nag-hesitate na sundin ang ipinag-uutos ko?"

"Eto na nga po SIR Rency." Hmp! Napaka-seryoso ng mukha niya! Hindi naman siya ganyan kanina ah! "Knight mamaya na lang ha?"

"It's okay, I understand." Buti pa 'tong crush ko, ang bait bait!

Nagtungo na ako sa elevator nang nakasimangot. Napansin kong nag-uusap sina Rency at Knight. Baka naman pinapagalitan ni Rency? Hay naku, ang sama ng ugali niya! Meron yata siya ngayon!

----

"Oh!" Ibinagsak ko sa table niya yung files na ibinigay niya sa'kin. Tiningnan niya ako nang may pagtataka. "What the hell is your problem?! Inaasar mo lang ba ako ha?! Eh mga walang kwentang files lang naman 'yan eh! At walang mr. Gonzales sa 18th floor! Napahiya pa tuloy ako doon kanina!" At dahil doon, iniwan ko si Knight!

"Did I say mr. Gonzales? As far as I know, mr. Gonzaga ang sinabi ko."

"Hindi ako ulyanin 'no! Nakakaasar ka! Maagang puputi ang buhok ko sa'yo eh!" Hindi na siya nagsalita after nun. Nakatutok lamg siya sa laptop niya. Napairap na lang ako.

----

Kevin's POV

"Hey," Someone tapped my shoulder.

I looked at him, "What are you doing here?"

"I'm the one who should asking that."

Ininom ko ang beer na iniinom ko. Hindi pa naman ako lasing. Wala pa naman kasi akong isang oras na umiinom dito sa bar. Lumiban na ako sa trabaho ko kasi nawalan ako ng gana. Atsaka late na rin naman ako. "Gusto ko lang magpakasarap." sabi ko kay Nine.

"Magpakasarap o magpakamatay? Itigil mo nga 'yan." Kinuha niya sa'kin yung iniinom ko at pinalitan ito ng iba. "'Yan na lang ang inumin mo, light lang 'yan."

"Tsk, ganun na din 'to." wala na din naman akong nagawa kundi inumin 'yon. Epal 'tong lalaking 'to eh.

"Ano ba problema pre?"

"Don't ask me."

He laughed, "Pera ba? Bakit? Tag-hirap ka na ba ngayon?"

"Ewan ko sa'yo."

"Ah alam ko na, babae 'no?" Ngumisi siya sa'kin.

"T*ngin*m*, lumayo ka nga sa'kin."

"Haha. Pikon! Sige mangchi-chics muna ako!" Tinap niya ulit ang balikat ko at sinabihan pa ako na wag daw akong iiyak. Hayop talaga yung lalaking 'yun.

I don't believe in Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon