Chapter 2
Seraiah's POV
Hawak-hawak ko ang labi ko ngayon habang nakahiga sa malambot na kama at nakatitig sa maputing kisame ng kwarto ko. Gabi na ngayon pero hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari kanina. Nakatatak na ito sa isipan ko, as in hindi ko na talaga siya makalimutan.
Pero everytime na maalala ko siya, aaminin ko na...KINIKILIG AKO!!! Normal pa ba 'yun? Crush ko naman kasi siya eh kaya pwede naman yata akong kiligin.
Eh kaso...b-bakit niya ako hinalikan? Anong dahilan? May gusto kaya siya sa'kin?
Namula ako sa isiping 'yon pero 'yun lang talaga ang naiisip ko. Maaaring may gusto siya sa'kin kaya niya ginawa 'yun. Ah ewan.
"Ay kabayo!!!" nakakagulat naman! Bigla-bigla na lang nagri-ring yung cellphone ko! Kinikilig pa ako dito eh! Istorbo! "Oh hello?!" sorry sa nasigawan ko. Inabala mo 'ko eh.
Lalo akong nainis dahil walang nagsasalita sa kabilang linya. Tunog lang yata ng aircon yung naririnig ko.
"Hello?! May tao ba?!" at wala na namang nagsalita. "Bahala ka! Ibababa ko na 'to! Istor---"
("Wait! Don't hang up!")
Napatigil ako nang marinig ko ang boses ng crush ko. Or should I say,
taong gusto ko.
Iba na kasi 'tong nararamdaman ko. Hindi naman ako engot para sabihing 'crush' pa rin yung pagtingin ko sa kanya.
Lumevel up na yung feelings ko!!!
"K-kevin?" mabilis na tumibok ang puso ko at lumamig nang husto ang kamay ko. Eto na naman yung pakiramdam na ibinibigay niya sa'kin, kakaiba.
("Uhh...") hindi niya maituloy ang sasabihin niya dahil sa 'di malamang kadahilanan. Narinig ko lang ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. Kinakabahan ako. Bakit niya kaya ako tinawagan? May sasabihin ba siyang importante? Kapag kasi nagkakausap kami sa phone dati, ang daldal namin sa isat-isa pero ngayon...kabaligtaran na. Para kaming napipi na hindi mo maintindihan.
Hindi kaya...mutual yung feelings namin?
Baka nga ganun...
"B-bakit ka napatawag?" hingang malalim Seraiah. Kaya mo 'yan.
("U-uhmm...") nauutal siya, ibig sabihin kinakabahan. ("...sorry,")
Ano daw? Sorry? Sorry saan? Ba't siya nagso-sorry?
"Para saan?"
("Yung ginawa ko sa'yo kanina, I'm sorry. Hindi ko sinasadya 'yun.")
Inisip ko kung ano yung nangyari kanina at nang ma-realize ko kung ano man 'yun ay natawa ako...nang pilit.
Tanga, tanga, tanga, tanga ka Seraiah.
"A-ah 'yun ba? Naku, wala 'yun."
("Pasensya na talaga, kalimutan na lang natin 'yun.")
Kalimutan? First kiss ko 'yun tapos kakalimutan ko?
Okay.
"Oh sure! By the way, may sasabihin ka pa ba?" please meron, please.
("Wala na,") sabi ko nga eh. Tanga, aasa aasa ka pa kasi. Masyado kang feeling-era. Hindi porket maganda ka na Seraiah eh magugustuhan ka ng lalaking 'yan. Baka nga ang tingin lang niya sa'yo ay isang...normal na babae or stranger. Sa sobrang dami pa ba naman din ng fans niya, I'm sure na marami na siyang nae-encounter na mas magagandang babae.
"Ah ganun ba? Salamat."
("Huh? Bakit ka nagpapasalamat?")
"Ay! Hehe! Kung anu-ano tuloy ang nasasabi ko, sorry! Haha!" kakahiya ka pa Seraiah.
BINABASA MO ANG
I don't believe in Happy Ending
Teen Fiction[My Kontrabida Love sidestory] I don't really believe in happy ending...until she came.