follow their twitter accounts: Walang account si Seraiah kasi walang naggawa.
Renny Montenegro @RennyBunny_
Rency de Caceres@Rencybaby_dc
Kevin Reyes@Kevinkevreyes
-----------------------------------------------------------
Chapter 8
Ilang buwan na ang lumipas mula nang mangyari ang pagkikita naming iyon ni Knight. Hindi lang doon natapos dahil nagkaroon pa 'yun nang kasunod. Hindi ko nga alam kung simpleng pagkikita na lang ba talaga yung ginagawa namin o talagang date na. Kinikilig tuloy ako, feeling ko kasi nagkakagusto na ako sa kanya. Hindi na ito simpleng paghanga.
Pero after din namang mangyari ng 'date' na 'yun, biglang nag-iba yung trato sa'kin ni Rency. Para bang lagi siyang inis na inis sa'kin. Tapos minsan naman ang cold niya, akala mo eh hindi kami magkakilala. Nakakaasar nga siya eh, well kailan ba ako hindi nainis sa kanya diba? What's new? Bahala siya sa buhay niya.
Nagpunta muna ako sa malapit na SM para mag-shopping. Tutal minsan na lang naman ako bumili ng mga damit ay susulitin ko na rin. Nakasuot lang ako ng maong shorts at blouse na kulay blue. Dumiretso muna ako sa tribal dahil gusto ko ang mga damit dito. Minsan kasi type kong maging hiphop, well hindi naman masyado.
"Ang astig," Napatitig ako sa shirt na dark red. May tatak siyang bungo sa unahan at syempre may nakalagay na tribal sa bandang baba nito. Pwede siyang pambabae or pang-lalaki kasi unisex naman ang style niya.
"Miss magkano 'to?"
Lumapit sa'kin yung babaeng nag-aasikaso sa mga customers at tiningnan niya yung damit. "Ma'am may price tag po siya," Nahiya bigla ako doon sa sinabi niya. Iniwanan niya ako at inasikaso ang ibang customer. Medyo nainis din ako kasi parang sinabi niya na..."Bulag ka ba? Hindi mo ba nakita na may price siya?" Kainis pa!
Binuksan ko muna yung pouch ko at kinuha yung wallet ko. Naglabas ako ng pera at kukunin ko na sana yung damit nang mawala ito sa kinalalagyan nito. "What the---" Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko sa may cashier ang isang lalaking bitbit bitbit ang shirt na sana ay bibilhin ko. Nakatalikod siya kaya't hindi ko makita ang mukha niya. "That's my shirt!" Nagtinginan ang mga tao sa'kin pero in-ignore ko lang sila. Lumapit ako sa lalaki at inagaw ko sa kanya yung damit.
"What the heck?!"
"Akin 'to ah? Ba't mo kinuha ito?! Can't you see na nasa harapan na ako ng mismong damit na ito at kumukuha lang ng pera?!"
Natigilan siya pagtingin niya sa'kin pero mukhang mas natameme ako nang tanggalin niya yung shades niya. "Give me that shirt,"
"H-hell no! Akin 'to! Babayaran ko na 'to!" Aware akong pinagtitinginan na kami ng mga tao dito pati na rin yung mga nasa labas pero wala akong pakialam. Makuha ko lang ang shirt ko, masaya na ako.
"You can't, nabayaran ko na 'yan."
"What?!" Tumingin ako sa cashier at mukhang natakot siya sa'kin dahil nag-iwas siya ng tingin. "But this shirt is mine!"
BINABASA MO ANG
I don't believe in Happy Ending
Teen Fiction[My Kontrabida Love sidestory] I don't really believe in happy ending...until she came.